Chapter 22

17 0 0
                                    

Maingat na sumusunod si Magi kay Nita habang patungo sila sa bahay ni Binibining Ina. Ayon kay Nita, ibang bahay 'to sa kinainan niya. May kalayuan 'to mula sa bahay ni Magi, nasa pinakadulo 'to katabi ng isang matandang kahoy na nakatindig sa gilid nito. Ang design ng bahay ay kasing tulad din ng buong village, isang simpleng one storey na gawa sa nipa hut.

Sabay nang pagkatok ni Nita, ang siyang paglaki ng ngiti ni Magi.

Ilang segundo pa ay bumukas na ang pinto.

Si Binibining Ina ang sumalubong sa kanila.

"Nita, Magi..."She paused. Her eyes were wide open in disbelief. "Anong ginagawa ninyo rito?"

Umasim ang muka ni Nita. Alam niyang ayaw nitong tumatanggap ng mga bisita kung malapit na 'tong matulog. But she found Magi hard to refuse, lalo pa't maganda pa naman ang intensyon nito.

"Binibining Ina, may i-aabot si Magi sa'yo," mahina na wika ni Nita bago siya humarap kay Magi. Sumenyas siya na lumapit.

Biglang kumabog ang puso ni Magi. Iniisip niya kung masarap ba ang sinabawan na karne at gulay na niluto niya. Dahil feeling niya hindi niya 'to madalas niluluto. Even though she couldn't remember what exactly she would often cook.

"Binibining Ina, pinagluto kita," sabay hakbang palapit rito.

Gulat ang ekspresyon ni Binibining Ina. "Salamat, Magi. Pero bakit?"

Nahihiyang nangiti si Magi. "Pasasalamat sa pag gamot ninyo sa akin noong malubha akong nagkasakit na muntikan ko nang ikinamatay."

Bumuka ang labi ni Binibining Ina pero walang lumabas na salita rito.

Nakangiti pa rin si Magi. "Sana masarapan kayo rito."

Dito na tumitig si Binibining Ina kay Nita na parang naghahanap ng mga kasagutan. Pero nanatiling tahimik si Nita. Kaya dito na pilit ngumiti si Binibining Ina kay Magi at humakbang palapit rito. "Salamat Magi..."

Na excite si Magi dahil feeling niya natuwa 'to sa niluto niya. Hindi na siya naghintay na patuluyin siya, kusa na siyang pumasok sa loob ng tahanan nito.

Sa loob, parang kambal lang ng bahay niya. May sala at kusina sa dulo. May isang kwarto at banyo. Sa kusina dumiretso si Magi upang ilatag ang dala niyang ulam.

When she stopped...

Pumukaw sa atensyon niya ang nasa ibabaw ng mesa. Mga manika na nasa dalampu. Ang iba may suot na magagara na damit na may matingkad na kulay, at ang iba ay nakahubad. Habang nagkalat ang mga damit, sapatos, at ibang gamit sa paligid ng manika. May nakita rin siyang sinulid at karayom sa loob ng isang glass na hugis puso na lalagyan.

"Doon mo na lang ipatong ang pagkain malapit sa lababo," boses ni Binibining Ina sa likod.

Dito na napalingon si Magi. She felt guilty over something she couldn't understand. Dapat ba siyang nandito sa loob ng bahay? Dapat ba siyang nagluto?

Nanginig ang kamay niya kaya na out of balance ang paghawak niya sa kaldero. Nagslide ang cover nito, sakto lang upang tumilapon ang ibang sabaw sa sahig.

"Naku!" her voice was trembling. "Pasensiya, Binibining Ina."

"Wala iyan, Magi," kalmado ang boses nito.

"Ako na ang maglilinis niyan," hindi maitago ni Nita na kabado siya.

Napalunok si Magi habang nakatitig kay Binibining Ina. Nag-aabang na parang bata na pagalitan siya nito.

But she only smiled.

Dito na tumalikod si Magi, bago pinatong ang kaldero na bitbit niya sa lababo tulad nang utos ni Binibining Ina.

Take Me To The Moon (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon