Hindi nagsisinungaling ang may-ari ng apartment noong sinabi nito na maliit ang kwarto nila. Sakto lang 'to sa isang tao, may maliit na kama at isang maliit na cabinet na hanggang bewang lang ni Magi.
Pagkatapos niyang kumain. Napatingin siya sa labas ng nag-iisang bintana.
Ang sumalubong sa kanya ay ang bintana ng ibang unit. Wala kang makikita na mga puno maliban sa nag-iisang kahoy na may nakaikot na upuan na gawa sa cemento. Pati ang ground sa labas ay cementado.
Huminga siya ng malalim. "Sapat na'to. Hindi naman 'to hanggang nabubuhay ako."
Napagdesisyunan na niya na magpahinga. Kailangan niya 'to dahil magiging mahaba ang araw niya. Kailangan niya ng schedule sa pagluto, paglaba at pag gamit niya ng banyo pagmaliligo siya. At mamaya ay balak niyang mamili ng mga gamit, lalo na ang mga damit niya. Sunod ay bibili siya ng mga pagkain. At ang huli ay kakausapin niya ang may-ari kung pwede ba siyang magtutor sa may gustong magpa tutor dito. At kung wala ay maghahanap siya sa araw na natitira niya.
She quickly feel asleep. Hindi niya inakala na sobra siyang napagod na buong gabi siyang gising at naglakad pa.
Wala siyang panaghinip.
Ni hindi dumungaw ang mga nangyari sa pag-alis niya sa Buhi Baru. Kung paano niya iniwasan ang mga Kalang. Walang familiar na mukha. Walang familiar na pangyayari.
It was all empty like when there's no moon or stars in the sky.
Pero naging mahimbing ang pagtulog niya.
Kahit may mga batang nagtatakbuhan sa espasyo ay hindi niya narinig.
Ala una na ng hapon noong nagising siya. It was a bit late, pero hindi na siya nagtaka dahil sa matandang katawan niya ay nangangailangan na siya ng mahabang pahinga.
She didn't feel like she'd regained her strength. Pero sapat na iyon para magawa niya ang plano niya sa natitirang hapon.
Ang una niyang ginawa ay kinuha ang schedule niya. Noong nakakuha na siya ng schedule ay ang naligo siya. Madali lang dahil mahaba pa ang araw niya.
Umalis siya kaagad patungo sa palengke. Doon mas mura siyang makakabili ng mga damit, gamit na kailangan niya at mga pagkain na sariwa.
Noon, hindi niya 'to ginagawa. Ang palengke sa kanya ay pamimili lang ng mga lulutuin. Hindi ang mamili ng mga damit at mga bagay na ginagamit niya. Iyon kasi ang turo ng Mama niya. Kaya hanggang sa pumanaw 'to ay sinusunod pa rin 'to ni Magi.
Kaya ang experience ngayon ay bago sa kanya. Medyo nahirapan siya dahil ang daming mura at pagpipilian. Kaya medyo tumagal siya sa palengke.
Noong nakabalik siya ay palubog na ang araw.
Hinatid lang niya ang mga pinamili sa kwarto niya. Bago bumaba upang magbayad sa may-ari at makiusap na rin kung pwede ba siyang magiging tutor.
Naging madali 'to kausap lalo na noong hawak na nito ang bayad niya. She agreed that she could tutor. Kaya bukas na bukas din maghahanap si Magi na nais magpa tutor sa kanya.
Bago siya pumanik ay dumaan muna siya sa nagbebenta ng mga pagkain. Para magbayad sa almusal niya kanina at bumili na ng hapunan niya. At dahil nakalimutan niyang dalhin ang tupperware ay nagbayad na naman siya ng twenty pesos. Kaya sa halip, na dalawang ulam ang bibilhin niya ay isa na lang.
Bitbit na ni Magi ang kanin na nakabalot sa saging at ang tupperware na may pinakbet.
Tinulak niya pabukas ang pinto.
Noong muntik na niyang mabitawan ang mga bitbit niya.
"Han!"
He was standing in front of her, while his smile greeted her.
BINABASA MO ANG
Take Me To The Moon (completed)
FantasiSimula noong namatay ang mama ni Magi ay lubos na ang naging kalungkutan niya. Kung sana mababago lang niya ang nakaraan. Nang may nakilala siyang isang babae na nagsabi sa kanya na may alam siyang lugar na pwede siyang maghiling upang mabago niya a...