She could feel the difference in the air, it's colder at this hour compare to the hours when she's working. Nagpasalamat si Magi na nagsuot siya ng jacket ngayon. Dahil kundi ay tiyak niya na manginginig siya dahil mala yelo na ang lamig ng hangin.
Napapatingin si Magi sa mga bahay na nadadaanan niya. Tahimik na parang walang nakatira. Pero alam ni Magi na may tao sa loob, isa na dito ang mag-ina na nakatagpo niya kanina. Hindi niya alam kung ilan ang tao sa village pero tantiya nasa mahigit limampu based sa bilang ng mga bahay na narito.
"Pssst..."
Napalingon si Magi kung saan nagmula ang boses.
"Pssst..."
Napansin ni Magi na parang may nakaupo sa likod ng halaman malapit sa isang bahay.
Dito na lumapit si Magi.
"Saan ka pupunta?"
"Dayday?" si Magi.
Tumayo si Dayday. Napapagpag pa 'to sa kanyang kamay na may dumikit na lupa. "Magi, saan ka pupunta? Alam mo ba na oras ng tig-tulog ngayon."
Napalunok si Magi. Sa pagmamadali niya ay hindi niya naisip na pwedeng may makakita sa kanya. Hindi niya nga naisip kung ano ang palusot niya. Kaya natikom siya.
"Anong ginagawa mo rito sa labas?" concern ang boses ni Dayday. "Maaring dahil sa naging malubhang sakit mo kaya hindi mo pa naaalala na ayaw na ayaw ni Binibining Ina na may gumagala pa pag ganitong oras."
Kinabahan si Magi noong marinig niya ang pangalan ni Binibining Ina. Pero nagpapasalamat siya na hindi 'to ang nakasalubong niya.
"Hindi kasi ako makatulog," Magi lied. "Kaya nagpahangin ako... kahit saglit lang."
Napaisip si Dayday. "Ganun ba? Bakit may nararamdaman ka na naman sa katawan mo? Bumalik ba ang sakit mo?" Napalapit 'to kay Magi bago inabot ang leeg niya. Pinakiramdaman ni Dayday kung mainit ba 'to. "Magaling na naman ang temperatura mo."
"Magaling na ako," Magi insisted. "Hindi lang ako inaantok. Maaga pa din naman. Sabi ko nga gusto ko lang magpahangin."
Tinitigan siya nang maigi si Dayday.
Dito na kinabahan si Magi. Nahalata ba nito na nagsisinungaling siya? Magsusumbong ba 'to kay Binibining Ina?
"Dayday..."
"Ano?"
She couldn't think of a more convincing explanation. Nang napansin niya ang maduming palda nito, mula ang dumi sa kamay nito na dumikit noong nagpagpag 'to. "Ikaw anong ginagawa mo sa labas?"
Bumilog ang mga mata ni Dayday.
"Tapos nagtatago ka pa sa likod ng halamanan."
Bumagsak ang panga ni Dayday. "Hindi ako... nagtatago."
Wala namang pakialam si Magi kung nagtatago ba'to o hindi. But she could feel, si Dayday ay may duda sa kanya kaya nais lang niya baguhin ang usapan. "Anong ginagawa mo sa likod ng halaman?"
Pilit na ngumiti si Dayday. "Bahay ko 'to. At... nasa loob ako ng ano... ng aking bakuran... kaya pwede kung gawin ang lahat ng gusto ko."
Ano kaya ang parusa ni Binibining Ina kung nakita ka na nasa labas ng bahay mo pag ganitong oras? Kaya ba nauutal si Dayday?
Pero hindi maintindihan ni Magi kung ano ang masama kung maglakadlakad sa village sa ganitong oras.
"Dayday, may parusa ba ako kung nakita ako ni Binibining Ina?" may kaba na wika ni Magi.
Palinga-linga si Dayday, bago 'to lumapit kay Magi. Sa sobrang lapit nito ay nalalanghap ni Magi ang amoy isda na hininga nito. "Meron. Pero huwag mo nang alamin kung ano."
BINABASA MO ANG
Take Me To The Moon (completed)
FantasySimula noong namatay ang mama ni Magi ay lubos na ang naging kalungkutan niya. Kung sana mababago lang niya ang nakaraan. Nang may nakilala siyang isang babae na nagsabi sa kanya na may alam siyang lugar na pwede siyang maghiling upang mabago niya a...