Chapter 41

19 0 0
                                    

Malayo ang isipan ni Magi, pakiramdam niya naglalayag siya sa isang malawak na karagatan. Hindi alam kung saan patutungo. Hindi rin siya makabalik. Dahil hindi niya alam kung saan siya nagmula. Kaya kahit malalaki ang alon ay nagpatuloy siya...

When she noticed an island.

She closed her eyes, habang pilit nilalarawan ang isla na natatanaw niya.

May nakikita siya...

Biglang bumuka ang mga mata niya. This time, naghahabol na siya ng hininga. 

"Si Han..." She paused. "Bakit ko siya nakita?"

Napailing si Magi. Bago napasandal sa kahoy na madalas na niyang tambayan. "Dapat ang iniisip ko ang gagawin ko mamaya... hindi si..."

Napaigtad si Magi. Bago mabilis na napatingala.

May narinig siya na nagmumula sa itaas ng mga puno.

May nabali na sanga malapit sa kinauupuan niya. Mabigat ang pagbagsak nito. Pero hindi siya nakagalaw. For a second, she thought someone was watching her.

Lumuwag lang ang dibdib niya noong natitigan niya ng mabuti ang nabali na sanga. Maingat na lumakbay ang kamay niya patungo sa bulsa ng uniforme niya. Tinapik niya ang telang itim na napulot niya.

Walang Kapan dito ngayon. Ako lang mag-isa, she reminded herself.

Kaya hindi na siya gumalaw sa kinauupuan niya habang nagpapalipas ng oras. Nakakabagot ang ginagawa niya. Feeling niya kung tatagal pa siya rito ay magkakaugat siya tulad ng mga puno at tuluyan ng mapako sa iisang lugar. Kaya kailangan na niyang makaalis.

Alam ni Magi, maaga pa. Hindi pa mainit ang kapaligiran at ang sinag ng araw na sumisilip sa ibabaw ng mga puno ay hindi pa nakakasilaw. But she's too excited to execute her plan, gusto na niyang makabalik sa patag.

Kaya tumayo na siya at naglakad.

Pagdating niya sa maliit na patag kung saan sila kumakain ay tahimik pa.

Kaya naupo muna siya sa pinakamalapit na ugat sa patag, para dito kita niya ang pagdating ni Melon.

Dumaan ang twenty minutes ay wala pa ring sign na may dumarating. But she still didn't move na parang kung gagawin niya 'to ay baka malingat siya.

Ilang minuto pa ay may narinig na siyang familiar na tunog.

Alam niyang parating na si Melon sakay ng troso.

Natanaw niya si Melon, bitbit na nito ang pagkain, inumin at banig.

Napatayo si Magi upang salubungin 'to. "Melon!"

Halatang gulat si Melon. He didn't expect to see her this early. And the way she greeted him like they're old friends. Kahit hindi pa sila ganun ka close.

Bumaba si Melon sa troso. Bago nilapag ang dala niya sa lupa.

"Melon," ulit ni Magi. She wanted to make sure that he would hear her.

"Sarah, maaga ka yata."

"Maaga akong natapos," she lied. Feeling ni Magi, nasasanay na siyang magsinungaling. It almost felt like breathing now. "Kaya nauna na ako."

Tumango si Melon habang nilatag ang banig, ang mga dalang pagkain at mainom nila. "Kakain ka na ba o hihintayin mo ang dalawa?" tanong nito noong natapos na siya sa ginagawa niya.

"Hihintayin ko sila."

Napansin ni Magi, malayo ang titig ni Melon, parang may hinahanap ang mga mata nito sa kagubatan. "May problema ba? Naisip niya bigla si Deon.

Take Me To The Moon (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon