There was a knock outside her house. Mahina lang 'to pero sapat lang upang marinig 'to ni Magi na kagigising lang.
Kinabahan siya.
Late na ba siya sa trabaho niya?
Tinapunan niya nang tingin ang pader ng kwarto niya, like she was expecting to see a thing that would help her tell whether or not she's late or not.
"Ano ba 'yon?" She looked confused. Dahil wala naman siyang nakita maliban sa kahoy na dingding ng bahay niya. Malalim siyang napaisip kung ano ang nais niyang makita pero ang tanging umokopa sa isip niya ay ang katok na mas malakas na ngayon.
Kaya tumayo na siya, at kahit hindi pa naka panghilamos ay dumiretso na siya sa may pintuan.
She opened it.
"Nita?"
"Magandang bati, Miss," bati nito na may ngiti sa kanyang pisngi.
Binalik niya ang bati nito. Hindi niya inaasahan na makita 'to ngayon dahil tuwing hapon niya 'to mas madalas makita na nakatayo sa labas ng bahay nito.
"Pinapatawag ka ni Binibining Ina," diretsong sabi nito.
"Ngayon na?"
Tumango 'to.
"Pero may trabaho pa ako..."
"Nagpahatid na ng mensahe si Binibining Ina na hahabol ka na lang."
Hinila ni Magi ang sleeve ng pajama niya, bago napatitig sa paa niya. "Pwede bang magbihis lang muna ako. Makapag-ayos lang muna sa sarili ko."
"Kung iyan ang gusto mo. Pero doon kana kumain kina Binibining Ina."
"Okay lang ba?"
"Opo naman." She smiled like giving her an assurance.
Kaya mabilis na naghilamos at nagbihis si Magi. Hindi na siya nagsuklay. Sa halip, tinali na lang niya pa ponytail ang mahaba niyang buhok. Tapos tumakbo na siya sa naghihintay na si Nita.
Sabay silang nagtungo sa bahay ni Binibining Ina na nasa pinakadulo na bahagi ng village. Sa labas ng mga ilang bahay, ay nakita niya ang ibang nakatira na naghahanda na sa pagpasok sa kanilang mga trabaho.
Naisip ni Magi. Na hanggang ngayon wala pa siyang nakikilala sa village. Wala din namang nakikipagkaibigan sa kanya. It's like everyone was too occupied with their work. At kahit siya na buong araw ay wala sa village dahil sa trabaho niya. Tapos pag-uwi niya diretso na siya sa kanyang tahanan para magpahinga. Then she would repeat everything again.
Everything was so routine. Feeling ni Magi, napaka familiar nito.
Bahaw na nangiti si Magi. Of course familiar, dahil taga rito ka.
Nita caught her smile. Pero wala siyang sinabi. Instead nagpatuloy lang siya sa paglalakad.
Noong narating nila ang bahay ni Binibining Ina ay bukas na ang pinto nito. Pagpasok nila ay sumalubong sa kanila ang mabango na mga bagong lutong ulam.
Tumunog ang tiyan ni Magi kaya napahawak siya rito.
Dito nangiti si Nita. "Gutom ka na, Miss."
Namula ang pisngi ni Magi, na sakto sa pagbukas ng pinto sa kwarto ni Binibining Ina. Agad 'tong ngumiti noong nakita silang dalawa. Tinuwid nito ang palda na kulay puti bago inayos ang blue ribbon sa centro ng blouse na puti.
"Magandang bati, Magi."
Binalik ni Magi ang pagbati.
"Sabayan mo ako sa pagkain ngayong umaga." Sumenyas 'to na maupo na si Magi.
BINABASA MO ANG
Take Me To The Moon (completed)
FantasySimula noong namatay ang mama ni Magi ay lubos na ang naging kalungkutan niya. Kung sana mababago lang niya ang nakaraan. Nang may nakilala siyang isang babae na nagsabi sa kanya na may alam siyang lugar na pwede siyang maghiling upang mabago niya a...