Pagkauwi ni Magi ay agad niyang dinukot ang lapis sa bulsa niya. Dahil ayaw niyang makalimutan ang nangyari sa kagubatan. She wanted to write everything down.
Pero saan siya magsusulat?
Lapis lang ang meron siya.
Napahaloghug siya sa buong sulok ng bahay niya. Nagbabakasakali na may makita siyang pwedeng pagsulatan.
Pero wala.
She's getting frustrated. Feeling niya parang hindi niya kilala ang sarili niyang bahay dahil hindi niya nga alam kung ano ang meron o wala siya.
Napahinga siya ng malalim noong nasa kwarto na siya. "Ni minsan hindi ba ako nagsusulat? Bakit wala akong gamit na pwedeng sulatan?" Magkahalong inis at natatawa, noong naiisip niya na maaring ang ginagawa niya lang sa anim na araw ay ang maglinis sa kagubatan ng Bersah.
It didn't feel right to her.
Feeling niya she had so much to offer. Pero bakit parang wala siyang kagamitan na nagpapahiwatig na may iba pa siyang ginagawa.
Napaupo si Magi sa kama niya na mabigat ang loob. Bago napatitig sa lapis na hawak niya. Tinaas niya 'to, hanggang ka level na ang lapis sa mga mata niya.
"Kay Binibining Ina kaya 'to? Nagsusulat ba siya? Ano kaya ang sinusulat niya?" Binaba ni Magi ang lapis sa hita niya. "Akin na'to mula ngayon. Gagamitin ko 'to."
Muli siyang napatindig upang maghanap ng pwede niyang pagsulatan.
Ang kama. Ang bedsheet. Ang punda. Ang dingding.
"Ang cabinet!" Napatakbo siya patungo rito, bago malakas na hinila pabukas 'to. Hinawi niya ang mga damit niya. Noong lumitaw ang kahoy ng cabinet. Dito na siya na excite. "I can write here!"
Tinitigan niya ang lapis bago nagsimulang magsulat.
Maikli lang dahil ayaw niyang maubusan siya ng space. She only wrote what she wanted to remember.
My lalaki sa gubat, may punit ang kapa niya. Ang itim na tela ay nasa akin. At may nakita akong babaeng takot na takot. Pero nawala siya.
Feeling satisfied, binalik niya ang mga hanger sa dating ayos nito. Para hindi na nakikita ang mga sinulat niya. Tapos iniwan niya ang lapis sa paahan sa loob ng cabinet.
Napangiti si Magi. "Hindi ko na makakalimutan ang mga nangyari sa araw ko."
Biglang sumeryoso ang ekspresyon niya. Naalala niya ang misteryosong lalaki na nakatagpo niya sa kagubatan. She saw his beautiful face in her mind. So beautiful that she could stare at him the whole day. Namula ang pisngi ni Magi, napailing siya. "Hindi. Isa siya sa nilalang na itim na mabilis na gumagalaw... at ang babae... ano kaya ang ginawa nila sa kanya?"
Bumuka ang mga mata niya. "Iyong boses na narinig ko sa kweba... may kinalaman din kaya sila doon?"
Biglang kinabahan si Magi. In her mind, they're dangerous.
Tumuwid ang balikat niya. "Alam kaya ni Binibining Ina ang tungkol sa kanila?" Naisip na niya na hindi niya sasabihin ang natuklasan niya pero iba ngayon. Dahil may babaeng nawawala.
Napakamuo si Magi. Naglalaro sa isipan niya kung sasabihin niya ba o hindi. Hindi niya alam kung bakit nagdadalawang-isip siya na sabihin 'to kay Binibining Ina. While she's the leader of Buhi Baru. Diba dapat pinagkakatiwalaan niya 'to? Diba dapat kilala niya 'to?
But for her, Binibining Ina was a stranger. Tulad ng lahat ng mga nakapaligid sa kanya.
Feeling niya ngayon lang niya nakilala ang lahat, kasama na si Binibining Ina.
BINABASA MO ANG
Take Me To The Moon (completed)
פנטזיהSimula noong namatay ang mama ni Magi ay lubos na ang naging kalungkutan niya. Kung sana mababago lang niya ang nakaraan. Nang may nakilala siyang isang babae na nagsabi sa kanya na may alam siyang lugar na pwede siyang maghiling upang mabago niya a...