Chapter 66

14 0 0
                                    

Sa bilis nang pagtakbo ni Han, ay wala nang nakikita si Magi. Feeling niya naglaho ang buwan sa kalangitan dahil dilim na lang ang nadadanan nila. Kaya kinabahan siya.

Noong may naaninag siya muling liwanag.

She also noticed they're starting to slow down. Parang lumalapit ang tingin niya sa lupa.

Nang maramdaman na lang niya na bumabagsak na si Han. Una ang mukha nito, kaya agad 'tong nawalan ng malay.

Sa gulat ni Magi, ay hindi agad siya nakagalaw. Ilang segundo bago siya gumapang pababa sa likod ni Han. At ang una niyang ginawa, ay lumapit sa ulohan nito.

Mabagal ang paghinga ni Han, noong pilit siyang pinapaharap ni Magi.

Ilang subok din bago niya tuluyang napaharap si Han. Dito nakita niya na nakatulog na'to. Nakapinta sa mukha nito ang pagod na dinaanan nito.

She felt guilty. Bakit ba kasi pumayag siya na sumakay sa likod nito? Kaya niyang tumakbo sa sarili niya. Nagawa nga niya 'to kanina.

"Kasalanan ko ang..." She stopped.

May naririnig siya.

Nasundan ba sila ng mga Kalang?

Bumalik ang kaba sa puso niya. Ngayong walang malay si Han, ay nag-iisa na lang siya. At alam na ng mga Kalang na kampi siya kay Han dahil nasaksihan nila na magkasama silang umalis. Kaya kung kanina ay nilagpasan lang siya ng mga Kalang. Tiyak niya hindi na'to mangyayari ngayon.

Una niyang ginawa ay sinuri ang paligid niya. Familiar ang mga kahoy rito na may pantay na taas. Alam niyang nakapunta na siya sa lugar na'to.

Bumilis ang tibok ang puso niya. "Nasa kagubatan ng Mudah na kami."

Nagawa ni Han na dalhin siya rito nang ligtas. Pero kapalit nito ay ginuho ng pagod si Han. Kaya sa tingin ni Magi, siya naman ang dapat magtiyak na ligtas si Han.

Pero paano niya 'to gagawin?

Sa dami ng mga Kalang, ay tiyak niya na hindi niya sila kaya labanan. At hindi siya bihasa sa pakikipaglaban tulad ni Han.

Lumakas ang naririnig niyang ingay.

Napatingala si Magi.

Dahil mula rito ang ingay.

Hinimay niya ang naririnig niya. Parang familiar. Parang tunog ng mga insekto at ibang hayop na lumilipad.

Napabuntong hininga si Magi.

For a moment, akala niya nasundan na sila ng mga Kalang. Maybe they got lost. Maybe they're able to escape them. Maybe they're safe now.

Biglang tumahimik ang kagubatan.

Ilang segundo na ang tanging naririnig ni Magi ay ang tibok ng puso niya.

Nang binasag ang katahimikan ng tunog na parang may umapak ng isang sanga di kalayuan sa kinatatayuan ni Magi.

Sa isip niya, baka ang mga usa lang iyon.

Muling bumalik ang ingay sa kagubatan. Sa pagkakataong 'to, ay ingay mula sa mga pakpak ng insekto at ibang hayop. Palayo sila na parang may tinatakasan.

Namuo ang pawis sa noo ni Magi. Naramdaman niyang nanginig siya at nanlambot ang mga tuhod niya.

Nandito na sila.

Ang una niyang naisip. Si Han.

Binalikan niya 'to. Ngunit wala pa rin 'tong malay. Naisip niya na gisingin 'to. Pero paano kundi pa nito kaya ang tumayo? She couldn't expect him to fight  and rescue her again.

Take Me To The Moon (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon