Chapter 71

17 0 0
                                    

Noong napansin ni Han na malayo na ang iniisip ni Magi, ay pinili na nito na umalis upang makapagpahinga siya. Kaya naiwang mag-isa si Magi sa maliit niyang kwarto.

Malalim na ang gabi, ay hindi pa rin siya inaantok. Nais niyang maniwala na naninibago lang siya dahil nasa ibang silid siya. But she knew this was not the real reason.

Ang totoo, bumalik na ang mga masasakit na alaala na matagal na niyang dinadala sa puso niya. Ito ay isang bangungot na patuloy siyang dinadalaw araw-araw. At alam niyang hinding-hindi niya 'to matatakasan. Patuloy siyang mumultuhin nito sa mahabang panahon.

Kaya nga ni nais niyang baguhin ang isang kaganapan sa nakaraan. Kaya nga siya sumama kay Amelia dahil naniwala siya rito. Kahit pa imposible ang sinabi nito sa kanya na kaya siyang dalhin nito sa buwan.

"Walang nagbago," bulong niya.

Tumagilid siya.

Her eyes wide opened in the dark. "Tama ba na bumalik ako rito? Diba dapat na kuntento na lang ako sa buhay ko sa Buhi Baru. Pero..." Naalala niya si Binibining Ina, may pinapagawa pa 'to sa kanya. Ang maibalik ang kapatid nito na si Iwa-agsi. "Sana tinanggihan ko siya. Sana hindi na ako bumalik rito. Sana hindi na bumalik ang alaala ko. Sana wala ako ngayon sa katawan ni Iwa-agsi.

What if...

Napaupo siya bigla. "Bumalik na lang kaya ako sa Buhi Baru kasama si Han! Hahayaan ko na lang si Iwa-agsi na mamuhay bilang ako. Tulad ni Katya na nanatili na sa Buhi Baru. At si Ika-dika ang narito sa labas."

Na excite si Magi.

Bukas, naisip niya sasabihin niya kay Han ang plano niya. Hindi naman siguro 'to tututol dahil desisyon niya 'to. At walang napahamak.

Noong paghiga niya muli, ay feeling niya medyo lumuwag ang nakabara sa dibdib niya. Finally, she's able to breath better. Kaya noong pumikit na siya, ay madali na siyang nakatulog.

At tinangay sa mundo ng panaghinip.

Nakita niya ang sarili sa loob ng kwarto sa bahay niya rito sa labas. Masaya ang gising niya dahil kahapon lang nagsimba sila ng Mama niya. Pagkatapos ay kumain silang dalawa sa restaurant na parehas nilang paborito. Noong nabusog na sila ay nagkwentuhan pa sila. Na miss niya na makausap ang Mama niya dahil simula noong namatay ang Papa niya three years ago ay naging tahimik 'to. Pero ngayon, tumatawa 'to at kinakausap siya nito.

She thought she had her mother back.

Kaya pag gising niya agad gumuhit ang ngiti sa pisngi ni Magi. Diretso siyang naligo, at pagbaba niya ay sumalubong na ang mabango na nilutong agahan ng Mama niya. Isang bagay na madalas siya ang gumagawa simula noong sobrang nalunkgot ang Mama niya sa pagkamatay ng Papa niya.

Her mother greeted her, gave a kissed on her cheek and her smile was as bright as yesterday.

Feeling ni Magi nasagot na ang prayers niya. Ito ang rason kung bakit minsan late siya umuwi sa bahay after school. Dahil dumadaan pa siya sa simbahan para lang ipagdasal ang kondisyon ng Mama niya.

"Thank you," she whispered to herself.  Bago siya excited na umupo sa hapagkainan kasama ang Mama niya.

"Magi, nilagang itlog iyan at may malunggay. Alam ko hindi iyan bagay na pares pero masustantiya naman," nakangiti na wika ng Mama niya.

"Ma, nagsawa na rin ako sa pritong itlog at hotdog o tocino," panigurado ni Magi.

"Mabuti naman..." Sumeryoso ang mukha nito. "Gusto ko kumain ka ng masustantiya na pagkain. Mas maraming gulay at prutas. Bawas ang processed foods. At pagnagluto ka huwag masyadong matamis o maalat. Iyong sakto lang."

Take Me To The Moon (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon