Chapter 32

21 0 0
                                    

Noong nakalabas na si Magi sa village, ay nagtatakbo na siya. She didn't care if someone would see her, at this hour nais na lang niya makabalik sa kagubatan ng Bersah. Magbabasakali na makikita niya muli ang nilalang na itim. Baka sa kanila niya malalam ang misteryo na nakabalot sa Buhi Baru.

Pagdating niya sa Bersah, pinagpapawisan na siya kahit mala yelo sa lamig sa oras na'to. Pero hindi niya 'to pinansin, dumiretso siyang baybayin ang daan na dinadaanan ng troso na sinasakyan nila.

Before she stopped.

May napansin siyang mga bakas ng sapatos rito.

Bumaba ang katawan niya, habang nakatitig lang sa mga yapak na nasa lupa. May apat na malalaki, dalawang maliit at may pinakamaliit na bakas ng sapatos.

"Nita," she whispered. Dito sila nagtungo. Bakit kaya?

Kinabahan si Magi. Alam niyang dapat hindi siya makita ni Nita sa rito, lalo pa't oras na ng tig-tulog ngayon. Naisip niya ang sinabi ni Dayday na may sipsip rito. Kaya maari kung makita siya ni Nita ay baka isumbong siya rito.

Kailangan may dahilan ako.

Pero wala siyang maisip.

May pagsisi siya na tumulak pa siya rito. Dapat sa ibang araw na. Dapat pala nakinig siya kay Dayday. Naisip niya bumalik na lang...

Noong may narinig siyang ingay.

She knew what it was...

Agad siyang napatingala sa taas.

Nakita niya ang mga itim na usok na mabilis na gumagalaw sa ibabaw ng kahoy na nagpapagalaw sa mga sanga.

Hindi siya gumalaw kahit pa may malakas na tunog na parang mababali ang sanga.

Dumaan na'to sa itaas ng puno kung saan siya nakatayo. Paglagpas nito ay dito na gumalaw si Magi upang sundan 'to.

The black smoke was moving too fast, kaya napatakbo na naman si Magi. Noong lumiko 'to sa kanan ay lumiko rin siya. Dumaan 'to sa patag bago sa isang bahagi na pinakamakapal ang mga puno. Dito na nahirapan si Magi, dahil dikit-dikit na ang mga puno, na sanhi na naging makitid ang mga dadaanan niya.

Finally she stopped.

Tadtad na ng pawis si Magi na parang naligo siya sa ulan. Ngayon lang siya ganun ka bilis at katagal na napatakbo. Napadaklot siya sa dibdib niya, hindi na niya naisip ang itim na usok, dahil naghahabol na siya ng hininga. Feeling niya hihimatayin siya dahil bumibigat na ang ulo niya.

Dito na siya napaluhod sa lupa na nababalutan ng mga layang dahon.

Napatingala siya upang makahinga.

Taas baba ang dibdib niya noong dumiretso ang titig niya sa unahan. Dito may nahagip siyang mga boses.

Si Nita.

Palapit ang boses sa kinaroroonan niya.

At kahit hingal na hingal pa siya, she forced herself to crawl away. May nakita siyang malaking ugat na pwede siyang sumiksik. Kaya 'to ang ginawa niya.

Pa side view ang higa niya, sa position na'to makikita niya ang mga paa na dadaan sa harapan niya. Una niyang napansin ang mga sapatos ng mga lalaki. Sunod sa isang babae. Bago ang maliit na sapatos na kulay puti ni Nita.

Anong ginagawa nila rito?

Tumigil sila sa harapan niya, na parang may pinag-uusapan. Hindi niya marinig kong ano 'to dahil mas malakas ang paghinga niya.

Noong napansin niyang bigla silang tumahimik.

Did they notice her?

Napatakip ng bibig si Magi. Habang nakadilat ang mga mata niya. Natatakot siya. Hindi niya alam kung dahil ba tiyak na isusumbong siya ni Nita kung makikita siya rito, o mas may malalim pa siyang kinakatakutan. Pero hindi niya alam kung ano 'to.

Take Me To The Moon (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon