"Si Amelia," paulit-ulit na binigkas 'to ni Binibining Ina. "Naalala mo na siya?"
"Hindi ko mailarawan ang mukha niya pero ang pangalan niya natatandaan ko."
Muling gumalaw si Nita, parang sumasayaw ang silya na pilit nitong tinutumba.
Napalingon si Binibining Ina rito. Kaya pumasok na siya loob upang tiyakin na hindi 'to makakawala sa pagkatali nito. While si Magi, ilang minuto pa siyang nakatitig sa buwan. Nagbabasakali na may alaala na bumalik.
Pero nilamig na lang siya ay wala na siyang naalala.
Kaya sinara na niya ang pinto pagpasok niya. Bago nagtungo muli sa hapagkainan. "Wala na akong maalala."
She smiled like she's trying to comfort her.
"Basta ang natandaan ko si Amelia ang nag-imbita sa akin... Kung bakit at kung paano niya ako na kumbinse ay blangko na ako."
"Di bale.... matatandaan mo din ang lahat." Muling naupo si Binibining Ina. "Minsan kong binangit ang panglan ni Amelia noong una kang dumating rito. Naalala mo?"
"Hindi." Nakatayo pa rin si Magi sa likod ni Nita.
"Tiningnan ko kung may maalala ka. Dahil unang araw mo palang. Ni nais ko nang bumalik ka sa labas. Mabuti sana kung bumalik ang alaala mo. Pero ang importante ngayon makalabas ka."
Hindi siya nakaimik.
"Amelia," ulit nito. "Si Mama nagbigay ng panglan kay Iwa-Agsi."
Napakumo si Magi. Sino si Amelia upang angkinin ang katawan at buhay niya? Hindi niya alam kung ano ang magagawa niya rito kung nagtagpo na sila.
"Si Isa-dika ang pangalan niya sa labas ay..."
Sabay silang napalingon sa bumukas na pintuan.
Si Han.
Bumalik na'to.
Mabilis na tumayo si Binibining Ina. "Lumakad na kayo. Nagpakita na ang buwan. Sarah, lumakad ka na."
Bago pa makasagot si Magi, ay inangkin na ni Han ang kamay niya, at giniya 'to palabas sa bahay. Magkahalong kaba na mangyayari na ang matagal na niyang inaasahan, at masaya din siya na kasama niya si Han. Somehow, it would make her feel safe.
Napansin niya na sa likod sila ng bahay ni Binibining Ina patungo.
Dito na niya muling inangkin ang kanyang kamay. "Saan tayo papunta? Akala ko ba sa labasan?"
"Sa bituka ni Batigan tayo dadaan. Dahil may nakita na akong ilan na mga Kalang na nakapasok sa Tahu."
"Nasaan sila?" Wala siyang nakikitang Kalang.
Noong may bumalot na sigaw sa buong Tahu. At parang galit na galit ang nagmamay-ari ng boses.
"Han, anong mangyayari sa..."
"May mga Kapan na nagkalat sa Tahu. Huwag kang mabahala. Kaya umalis na tayo."
Pero hindi na nakagalaw si Magi.
Sa harap nila may tumatakbo na Kalang. Isang batang babae na nanuyo ang buhok, tumutulo ang laway, at ang damit nito ay nagkulay brown sa halip na puti.
"Mauna ka na!" bato ni Han.
"Saan?"
"May pinto..." He stopped. Noong walang pasabi na tumalon ang batang babae sa harapan ni Han. Pilit siyang kinakagat nito habang pinipigilan 'to ni Han na mangyari.
Ilang segundo na, na estatwa si Magi. The girl looked like a rabid animal. Nakakatakot 'to. Pero naalaa niya ang sinabi ni Han. Kaya hinanap niya ang pinto.
BINABASA MO ANG
Take Me To The Moon (completed)
FantasySimula noong namatay ang mama ni Magi ay lubos na ang naging kalungkutan niya. Kung sana mababago lang niya ang nakaraan. Nang may nakilala siyang isang babae na nagsabi sa kanya na may alam siyang lugar na pwede siyang maghiling upang mabago niya a...