Malalim na ang gabi noong nakauwi si Magi sa tahanan niya. She felt exhausted like she run a marathon. Matapos kasi nilang kumain ay nagpasama pa si Amy sa mall upang mamili ng mga school materials na gagamitin nito. Tapos dumaan din sila sa mga boutique dahil may iilang na nag sale ng mga damit.
Kaya naipangako ni Magi, na last na'to. Hindi na siya sasama next time kay Amy. She regretted getting close to her, feeling tuloy ni Magi mas stress at pagod siya ngayon.
Pagkatapos niyang kumain at nakapagligpit ay pumanik na siya sa itaas. Madali lang ang pagligo niya dahil nais na lang niyang mahiga sa malambot niyang kama. At kahit basa pa ang buhok niya, humiga na siya. Tapos pumikit na.
Naisip niya diba 'to ang gusto niya ang maging busy? Iyong pagod na pagod na wala na siyang time makapag-isip. Pero mabigat ang damdamin niya, hindi 'to ang gusto niya. Dahil kung mas magiging close pa siya kay Amy ay mas lalo siyang makikilala nito.
Paano kung magtransfer ako ng school next year?
Malalim niya 'tong pinag-isipan hanggang tuluyan na siyang nakatulog.
Kumagat na ang lamig ng hangin, tanda na malalim na ang gabi. Nanginig si Magi, so she hugged herself tightly. Pero abot buto ang lamig kaya kinapa niya ang kumot niya.
May nahawakan siya. Una matigas pero noong pinisil niya 'to ay malambot 'to--- parang balat.
Dito na bumuka ang mga mata niya.
Nanigas ang buong katawan niya, habang bumagal ang paghinga niya.
Ano 'yon?
Feeling niya she's still sleeping, at ngayon she's just dreaming. Kaya nakiramdam siya sa paligid niya. Tahimik maliban sa hampas ng hangin na dumadaan sa mga sanga ng kahoy, at walang kasing lamig kaya gininaw siya.
Wala sa isip na kinapa ni Magi ang kumot niya.
Noong bigla niyang naalala ang napisil niya kanina. Dito na kumabog ang dibdib niya na parang malulunod siya. Kaya napaupo siya sa kanyang kama.
Madilim sa kwarto. Pero may liwanag na nagmumula sa ilaw sa labas ng bahay niya. Usually hindi 'to ang dilim na nais ni Magi. She wanted her room to be completely engulfed by the night.
Nagusot ang noo ni Magi na agad napalingon kung saan nagmumula ang liwanag.
Bukas ang bintana niya.
Naalala niya na sa sobrang pagod niya ay mabilis siyang nakatulog, but nakakatiyak siya na sarado ang bintana noong dumating siya. Dahil never siyang umaalis ng bahay na bukas ang bintana niya.
Unless...
Mabilis na napagapang si Magi, bago dinampot ang knife na nasa ilalim ng unan niya. Since her mother died, naglalagay na talaga siya ng knife rito. It's for protection, dahil nag-iisa lang siya sa bahay.
Nilapit niya ang knife sa dibdib niya bago maingat na tumayo. Tapos lumapit siya sa bintana.
Agad siyang sumilip sa ibaba.
Wala siyang nakita na kakaiba rito. Naisip niya na kung magnanakaw 'to ay bakit sa itaas ng bintana dadaan kung may pinto naman sa ibaba.
"Baka malakas lang ang hangin..." She suddenly stopped.
Naririnig niya ang tahol ng mga aso.
"Si Whitey at Banjo..." Nakinig siya ng mabuti. Ang tahol ay nagmumula sa labas ng gate niya. Kaya napatakbo si Magi sa bintana na nakaharap sa gate. Sumilip siya sa labas.
Wala siyang nakita maliban sa dalawang aso na patuloy sa pagtahol--- galit na galit ang boses nila habang nakatingin sa gate niya.
Dito na kinabahan si Magi. Kahit wala siyang nakikita ay alam niyang may hindi tama sa bahay niya ngayon. Dahil hindi ganito kagalit ang mga aso kung wala silang nakikita.
BINABASA MO ANG
Take Me To The Moon (completed)
FantasySimula noong namatay ang mama ni Magi ay lubos na ang naging kalungkutan niya. Kung sana mababago lang niya ang nakaraan. Nang may nakilala siyang isang babae na nagsabi sa kanya na may alam siyang lugar na pwede siyang maghiling upang mabago niya a...