Chapter 29

16 0 0
                                    

Wala ng boses na lumalabas sa labi ni Magi. Kahit anong pilit niyang muling sumigaw. Pinalitan lang 'to ng katahimikan.

Biglang naglaho ang naka kapa ng itim sa harapan niya.

Nang naramdaman niya ang mainit na katawan na nakadikit sa likod niya. Dito na siya kinabahan.

"Huwag kang maingay."

Bago pa makasubok na sumigaw si Magi. May kamay na tumakip sa labi niya.

Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso niya. Feeling niya may gagawing masama ang lalaki sa kanya.

"Bibitawan kita pero huwag kang sisigaw," he said it calmly.

Napakumo si Magi. Handa na siyang tumakbo.

Naramdaman niyang unti-unting humihiwalay ang kamay nito sa kanyang labi. Hanggang naglaho na ang kamay sa paningin niya.

That's when...

Maingat na tumayo na si Magi upang makatakbo.

Noong nakatayo na siya, ay bigla siyang umikot paharap sa likuran niya. Nahagip niya ng mabilis ang lalaki bago siya bumanga rito. This time, nahihirapan na siyang huminga, wala na siyang nakikita. Ang tanging nararamdaman na lang niya ay ang init ng katawan nito.

He was hugging her so tightly. Na feeling ni Magi mauubusan siya ng hininga.

"Huwag kang tumakbo," bulong nito na parang galing sa bangin ang boses nito.

Nakapikit si Magi. Mabilis pa rin ang kabog ng dibdib niya. Hindi niya alam kung sino 'to. At kung ano ang pakay nito sa kanya.

"Bibitawan kita uli. Pero huwag kang sisigaw at tatakbo," may diin sa boses nito. Slowly he released her...

Naghahabol ng hininga si Magi habang pilit tinutuwid ang pagtayo niya. Bago siya mabagal na napatingala.

Agad siyang napatakip sa kanyang bibig.

Nakita niyang nakakasilaw na kulay pula ang mga mata nito.

Napaatras si Magi. Hindi pa rin bumababa ang kamay sa kanyang bibig. Nais niyang tumakbo at sumigaw pero natatakot siya sa maaring gawin nito sa kanya. Kaya iniwasan niyang titigan niya muli 'to. Sa halip patuloy ang pag-atras niya.

Slowly, she could feel her strength was coming back. Kaya mas nilakihan na niya ang paghakbang niya paatras.

Ilang minuto pa, nararamdaman niyang lumalayo na siya rito. Kaya na excite siya, matatakasan niya 'to. Nang namalayan na lang niya, na natutumba na siya.

Napahiga siya sa lupa.

Hindi niya alam kung ano ang nangyari. Inatake ba siya nito? Pero ang nararamdaman niyang kirot ay nagmumula sa likuran niya at hindi sa bahagi na kaharap niya ang lalaki.

Noong sulyapan niya ang sa may paahan niya. She noticed a rock bigger than her fist next to her right leg. Napabuntong hininga si Magi, naiinis siya sa katangahan niya. Hindi man lang niya naisip na pwede siyang matisod sa mga bato o sanga na nagkalat sa kagubatan.

Sa inis niya napapikit siya. Makakatakas ka na sana kundi dahil... She took a deep breath before she opened her eyes.

Muntik na siyang mapasigaw sa nakita niya.

Ang lalaki nakatayo ilang hakbang mula sa harapan niya at nakabuka ang kamay nito.

Gusto ba niya akong tulungan?

Hindi.

Wala siyang balak na tanggapin ang kamay nito. Dahil wala siyang balak na muling maging malapit rito. Kaya kusa siyang umupo, bago pilit siyang tumayo.

Bumigay ang isang tuhod ni Magi, pabagsak na siya. Noong biglang inangkin ng lalaki ang kamay niya kaya napigilan na hindi siya matumba ulit.

Dito na niya 'to muling tinitigan.

Bumuka ang labi niya.

Wala na ang mapulang mga mata nito. Instead, napalitan 'to ng isang mukha na walang kasing ganda. Makapal ang mga kilay nito, malalim ang mga tingin at mapupula ang labi nito.

Hindi na naangkin ni Magi ang kamay niya. Hindi na niya naramdaman na kumikirot ang likuran niya. Hindi na niya napansin na lumalakas na ang hangin na dumadaan sa pagitan nilang dalawa.

Dahil ang atensyon niya ay nasa lalaking nakatayo sa harapan niya.

Kusa na siyang binitawan nito, bago 'to tumalikod sa kanya.

Malakas na muling umihip ang hangin sa iba't ibang direksyon. Pero hindi pa rin nakagalaw si Magi. Hindi niya alam kung dahil masakit pa rin ang pagkabagsak niya o dahil sa kagandahan ng mukha ng lalaki.

Nakita niya na palayo na'to sa kanya. He wasn't moving fast but he kept walking without looking behind him. Parang hindi nito pansin na nakamatyag pa rin si Magi sa kanya. Sa katunayan, halos hindi siya kumurap para hindi 'to mawala sa paningin niya.

At kahit noong nawala na'to ay hindi pa rin makagalaw si Magi.

"Sino siya? Anong ginagawa niya rito sa Bersah?" bulong niya, habang bumilis ang tibok ng puso niya. Ngayon lang siya nakakita ng lalaking kasing ganda nito, parang isa 'tong pambihirang kahoy sa kagubatan ng Bersah.

Biglang napailing si Magi. Tinapik niya ang bulsa niya. Tiyak niya ang itim na tela na nasa pagmamay-ari niya ay sa lalaki na nakatagpo niya. Ibig sabihin siya rin ang isa sa matim na usok na nakikita niya.

Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Magi. Bigla niyang naalala ang babae kanina.

Nasaan na siya?

Mabilis na napatakbo si Magi sa lugar kung saan niya 'to huling nakita. Hindi na niya naisip na kumikirot pa rin ang likuran niya.

Dahil nais niya 'tong makita muli.

Pagdating niya ay wala siyang nakita.

Ni walang palatandaan na may babae kanina na hinahabol. Tanging katahimikan lang ang bumalot sa kagubatan ng Bersah.

Pero nakakatiyak si Magi sa nakita niya. Hindi siya nanaghinip. Totoo 'yon. At nais niyang matandaan ang mga nangyari ngayon.





Take Me To The Moon (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon