Chapter 62

14 0 0
                                    

"Nasaan ako?" Nakatayo si Magi sa gitna ng nakalbong kagubatan. Wala ng buhay ang mga puno sa kapaligiran, wala na rin ang mga hayop na nakatira rito, at wala ng ibang kulay kundi abu. Habang ang kalangitan ay nagsisismula ng dumilim.

"Ito na ba ang pagdating ng gabi?" Tinapunan niya ng tingin ang kanyang sarili. Nakasuout siya ng itim na dress, pati ang sapatos niya ay itim. At ang kamay niya ay may hawak na knife.

Knife na may mantsa ng dugo.

"Ano 'to?" Sabay hagis sa malayo ng knife.

Noong tumigil ang mga mata niya kung saan naglanding ang knife.

May nakita siyang nakatayo na babae, a few feet away from the knife. Isang maganda na may katandaan ng babae pero tuwid pa rin ang tindig nito.

"Sino siya?" bulong niya. Dahil tiyak niya, wala siyang kasama rito. Maliban na lang kung nalagpasan niya 'to.

Pero imposible 'to.

Kinabahan siya. May pagsisisi kung bakit hinagis niya ang knife. Paano kung kailanganin niya 'to?

Noong gumalaw ang babae palapit sa kanya.

Aktong hahakbang na siya palayo noong nasaksihan niyang ngumiti 'to.

Her smile like she'd seen it before--- and many times.

So she stopped like she's waiting for her to come closer.

Paglapit ng babae ay nakangiti pa rin 'to na parang naka glue ang ngiti sa kanyang mukha. "Hello. Kamusta ka?"

"Hello," ulit niya. Narinig na niya ang pagbati na'to noon, pero matagal na ang huling taong bumati sa kanya ng ganito. Hindi na niya matandaaan kung sino.

Kaya hindi niya nabalik ang pagbati nito.

But she didn't look like she mind, because she's still smiling. "Anong ginagawa mo rito, Magi?"

"Magi?" Bumilog ang mga mata niya. "Kilala mo ako. At Magi ang tawag mo sa akin. Hindi Sarah?"

"Bakit napadpad ka rito?" Pagpatuloy nito. At wala itong interest sa mga sinabi niya.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko," balik ni Magi.

"May hinahanap ka ba? May pinagdadaanan ka ba? Baka makatulong ako sa'yo?" Nakangiti pa rin 'to.

Hindi niya alam kung bakit parang hindi siya pinapakinggan nito. "Wala kang maitutulong sa akin. Mauna na ako sa'yo." Wala na siyang planong makipag-usap sa isang taong hindi marunong makinig.

"Magi," tawag nito.

Pero hindi lumingon si Magi.

"Magi, nais mo bang pumunta sa buwan?"

Dito na napalingon si Magi. "Anong sabi mo?"

"Nais mo bang makapunta sa buwan?"

Nagdikit ang kilay niya. "Hindi. Hinihintay ko lang na magpakita ang buwan."

"Wala ka ng pakialam sa Mama mo?"

Parang may kumirot sa puso niya. "Si Mama?" Wala siyang maalala kung sino ang mama niya. "Kilala mo siya?"

"Oo, kilala ko kayo. Lalo ka na. Minsan mo na ngang hinihiling sa akin na makarating ka sa buwan." Her smile faded. "Nakapunta ka ba sa buwan?"

Napailing siya. "Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo." Sa pagkakataong 'to, wala na siyang balak na magpaalam dahil mukhang baliw ang kausap niya.

"Magi," tawag nito, noong aktong tumalikod na si Magi. "Baka kung sabihin ko ang pangalan ko ay matandaan mo ako."

Tumalim ang mga mata ni Magi.

Take Me To The Moon (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon