Napapailing si Magi na excited siya ngayon na magtrabo. Dahil kahapon, na bato lang siya. Una never siyang naging komfortable sa loob ng simbahan. Pangalawa, wala siyang ginawa buong maghapon kundi ang maging abala sa paglinis ng bahay niya at paglaba sa mga nagamit niyang mga damit na karamihan ay uniforme niya sa Bersah.
Tinali ni Magi ang buhok niya sa salamin na isa sa hiniling niya sa tiga- Hiba. Dahil napansin niya na wala siyang salamin sa bahay niya.
Matagal niyang tinitigan ang mukha niya. She didn't notice anything different. Her skin was still pale and her expression was still dull. Feeling ni Magi, ganito na siya dati pa.
Sinubukan niyang ngumiti. Pero nagmukha lang siyang nakakatawa na parang payaso na sabay umiiyak at ngumingiti.
"Ano bang hilig ko sa buhay? Nagtatahi ba ako? Nagpipinta? Nagbabasa?"Hindi niya alam kung ano. Wala ding clue sa loob ng bahay niya dahil halos wala siyang kagamitan rito. It was almost like her whole life revolved around her work in the forest.
Which she found hard to believe. Lalo pa't nakakasigurado na siya na hindi siya taga rito sa Buhi Baru. Pero kung hindi siya taga rito. Taga saan siya?
"Magi!"
Napaigtad si Magi.
Noong makita niya si Pina na nakasilip 'to sa labas ng glass window ng kwarto niya.
Nagmamadali na lumabas si Magi sa bahay niya.
Si Dayday ang nabungaran niya sa labas na kumakain ng orange. "Gusto mo?"
"Hindi, salamat. Si Pina?"
Biglang natawa si Dayday. "Umikot sa likod kasi naiihi daw siya."
"Ano?" Hindi siya makapaniwala na umihi 'to sa labas ng kwarto niya. "Bakit naman niya iyon gagawin?"
"Kasi naiihi ako," si Pina ang sumagot, ang ngiti nito abot hanggang tenga. "Medyo malayo sa kwarto mo ako umihi. Naisipan ko lang na sumilip pero hindi ako umihi doon."
Hindi na sumagot si Magi.
"May salamin ka pala, Magi," sabi ni Pina.
"Oo, humiling ako sa tiga- Hiba."
Hinagod siya nang tingin ni Dayday. "Sabagay, kung kasing ganda kita... araw-araw kong tititigan ang sarili ko sa salamin."
Natikom si Magi.
"Baka naman may sino ka kaya ka nananalamin," tukso ni Pina.
"Naku... hindi iyan ang rason ko. Gusto ko lang..." Natigil si Magi.
"Biro lang iyon sinabi namin," bato ni Dayday noong napansin niyang namumula ang pisngi ni Magi. "Mabuti pa umalis na tayo..."
Tiniyak lang ni Magi na close ang pintuan niya bago siya sumunod sa dalawa. Pero bago pa sila makarating sa troso, ay muli niyang naisip ang salamin niya.
"Bakit halos wala tayong kagamitan sa loob ng ating mga bahay?" Magi said. She remembered, ang bahay ni Binibining Ina ay parang kambal lang ng sa kanya. "Ganito ba talaga rito?"
Nagkatitigan ang dalawa.
Tumaas ang kilay ni Magi.
"Oo, ganito talaga," si Pina ang sumagot. "Kasi karamihan ng mga nakatira rito kamukha namin."
Lumagapak sa kakatawa ang dalawa. Maliban kay Magi, dahil hindi niya maintindihan kung anong nakakatawa doon.
"Biro lang," natatawang saad ni Pina.
"Ito 'yong biro mo na nakakatawa. Pangako," si Dayday na naiiyak na sa kakatawa.
"Ano ang tunay na sagot?" Kay Dayday siya tumitig.
BINABASA MO ANG
Take Me To The Moon (completed)
FantasySimula noong namatay ang mama ni Magi ay lubos na ang naging kalungkutan niya. Kung sana mababago lang niya ang nakaraan. Nang may nakilala siyang isang babae na nagsabi sa kanya na may alam siyang lugar na pwede siyang maghiling upang mabago niya a...