Tumunog na ang huling bell, isang araw na naman ang natapos. Hinayaan muna ni Magi na lahat ng estudyante niya ay makalis sa class. Noong nag-iisa na siya, ay tsaka pa siya kumilos. Niligpit na niya ang mga gamit sa cabinet na malapit sa bintana. When she noticed a paper lying on the floor.
Binaba niya muna sa taas ng cabinet ang ibang bitbit niya bago napa squat upang kuning ang papel.
"Michelle Ann Rodriguez," she said. Bago tinitigan kung anong papel 'to.
Umarko ang kilay niya. "Ito ang report paper sa pinabasa..."
Sarah.
Napaupo si Magi bago napalingon sa likuran niya.
Mga silya lang ang nakita niya. Kaya napailing siya at muling napatingin sa report paper. Ang una niyang nakita--- Sarah.
"Sarah," she said. "Siya ang bida na character sa libro na binasa ni Michelle." She shook her head wildly. "Bakit naririnig ko ang pangalan niya?" Napatayo si Magi na may kaba sa puso. "Dala lang ng stress... kaya kung ano-ano na lang ang nangyayari sa..." She paused.
Naalala niya ang nangyari kagabi. Ang Mama niya. Dapat ngayong araw niya dadalawin ang puntod nito.
"Hindi kaya... nagpaparamdam si Mama hanggang sa school? Pero parang may mali..."
Napatakbo si Magi sa labas ng room.
Marami pang mga estudyante na nagkalat sa labas. Sa mga mukha nang madaanan niya ay hinanap niya si Michelle. Kailangan niya 'tong makausap.
"Magi."
Hindi niya 'to pinansin. Tuloy lang ang paglakad niya habang walang mukha siyang hindi tinititigan.
"Magi," sabay kalabit ni Amy. "Uuwi ka na ba?"
"Si Michelle?" Mabilis ang pagharap ni Magi.
Kaya nagulat si Amy.
"Nakita mo ba si Michelle?"
"Hindi. Bakit?" Naguguluhan pa rin ang ekspresyon nito noong bigla 'tong sumaya. "Tony!" Kaway nito.
Mahaba ang hakbang ni Tony. "Hi my co-teachers, uuwi na ba kayo?"
"Yes, pero hinahanap pa ni Magi si Michelle," sabi ni Amy.
Umangat ang kilay ni Tony, matagal bago 'to nakasagot. "May nagawa ba siyang mali?"
"Wala..." Natigil si Magi noong nagsing-abot ang mga mata nilang dalawa. Kaya agad siyang umiwas. Dito na niya muling natitigan ang report paper ni Michelle.
Nabasa niya--- Sarah.
"Mauna na kayo, kakausapin ko lang muna si Michelle," paliwanag ni Magi.
"Hintayin ka na lang namin," si Amy.
"Pero---"
"I don't think it would take you 30 minutes to talk to her."
Napakagat ng labi si Magi.
"Hindi. Mauna na lang tayo, Amy. Mukhang something to do sa report paper ni Michelle ang issue," sabi ni Tony.
Kinabahan si Magi. Nakita ba ni Tony ang report paper?
Umiwas si Tony sa titig ni Magi, sa halip muli nitong sinabihan si Amy na mauna na sila.
"Hay... fine," finally sabi ni Amy. "Ngayon ba magkakaproblema si Michelle while malapit na matapos ang school year."
Gusto sana sabihin ni Magi na walang problema sa report paper nito pero natikom siya.
Kaya nagpatuloy si Amy, "mukha kasing distracted lately si Michelle."
BINABASA MO ANG
Take Me To The Moon (completed)
FantasySimula noong namatay ang mama ni Magi ay lubos na ang naging kalungkutan niya. Kung sana mababago lang niya ang nakaraan. Nang may nakilala siyang isang babae na nagsabi sa kanya na may alam siyang lugar na pwede siyang maghiling upang mabago niya a...