Parang nawalan ng balanse si Magi. Totoo ba ang sinabi ni Deon? Ang labas ng Buhi Baru ay nasa kweba na'to. Ibig sabihin, noong nakapasok siya rito ay ang lapit na niya sa labas. If only she knew back then...
"Galaw na," si Deon.
She wanted him to stop. Ang bilis ng mga pangyayari. It was hard for her to process that she's about to leave this place. Good or bad. Ang lugar na'to ay may nabuo siyang pagkakaibigan.
At si Han...
Naalala niya na siya ang tumalikod rito. At ngayon nagsisisi siya na hindi man lang siya nakapagpasalamat. At hindi na siya makakapagpaalam.
Naramdaman na lang niya na may humila sa kamay niya.
"Magi, umalis na tayo," nagmamadali ang boses ni Deon.
Tumango si Magi.
Noong may malakas na hangin na parang nag-uunahan na makapasok sa kinaroroonan nila.
"Bwisit na..." si Deon.
"Bakit?"
"Parating na ang mga linta..." Hinila na niya si Magi.
At sa dilim ay tumatakbo sila pababa sa kweba. Ang feeling ni Magi ay kung bibitawan siya ni Deon ay gugulong siya sa pinakailalim na bahagi. Kaya pinilit niya na sabayan ang bawat hakbang nito.
Sa likuran nila...
Lumalakas na ang ingay na parang may pumupukpok. Paminsan-minsan parang malayo 'to o nasa likuran na ni Magi.
Nang may maramdaman siya sa kanyang braso.
"Aaaggghhh!" sigaw ni Magi.
Hinila siya ni Deon.
Kaya agad nawala ang nakapatong sa braso niya.
Sa takot ni Magi, mas binilisan pa niya ang pagtakbo. At kahit bumibigat na ang paghinga niya ay wala siyang balak na huminto.
"Malapit na..." Nakikita na ni Deon ang kunting liwanag sa dulo. "TALON!"
Wala na sa isip na tumalon si Magi.
Agad siyang nabitawan ni Deon, habang sabay silang bumagsak sa lupa.
Napalingon si Magi sa likuran niya.
Isang nakakabingi na sigaw ang nagmula rito na parang hihigupin siya. Kaya agad siyang napapikit.
Ilang minuto pa ang lumipas...
Gently, she opened her eyes.
Tahimik na.
May kunting liwanag na sapat upang makita niya ang kanyang sarili. Umikot ang paningin niya. It didn't look like she left at all. Nasa kagubatan pa rin siya.
Pero sa hitsura ng mga kahoy, at sa mga insekto na naririnig niya.
Alam ni Magi wala na siya sa Buhi Baru.
Tumayo si Magi. "Nasa kagubatan na ako ng Mangin. At naalala ko pa rin ang Buhi Baru." Na excite siya. "Okay lang ako."
Noong biglang sumeryoso ang ekspresyon niya.
Sa harapan niya si Deon nakaluhod.
"Deon!" Tinakbo niya 'to. "Okay ka lang?"
Blangko ang mga mata nito, habang nakabuka ang bibig nito.
"Ako 'to si Magi." Niyugyog niya ang balikat nito.
Umungol lang 'to na aktong kakagatin siya.
Mabilis niya 'tong binitawan.
BINABASA MO ANG
Take Me To The Moon (completed)
FantasySimula noong namatay ang mama ni Magi ay lubos na ang naging kalungkutan niya. Kung sana mababago lang niya ang nakaraan. Nang may nakilala siyang isang babae na nagsabi sa kanya na may alam siyang lugar na pwede siyang maghiling upang mabago niya a...