Chapter 12: The Unexpected Visitor

345K 9.4K 772
                                    

Chapter 12: The Unexpected Visitor               

 

Sunday afternoon, Ford’s Mansion...                    

Third Person’s POV

“Is Arkray home?” tanong ni Eliza Ford sa katulong. Kadarating lang nito mula sa business trip sa Japan.

“Wala pa po Ma’am,” magalang naman na sagot ng katulong.

“Ganun ba. Anyway, magpapahinga muna ako. Just tell her na pumunta na lang sa room ko ‘pag dumating na siya,” maawtoridad na sabi ni Eliza. Hindi na nito hinintay ang sagot ng katulong sa halip ay agad itong tumalikod at tinungo ang hagdan.

***

Arkray’s POV

Muli kong pinagmasdan ang kabuuan ng lugar bago kami umalis. Kahit sandali lang kami dito ay sobrang enjoy naman. Matapos naming magtarget shooting kahapon ay bininyagan naman kaming dalawa ni Myles nila Mikaela ng Frozen Margarita. Si Myles nakailang shots pa lang ay bagsak na. Sunod-sunod ba namang tagayan ni Stefi kahit alam ng first timer si Myles sa ganoong bagay. Ako? I don’t know if it was my first time.Takang-taka nga sila dahil mukhang sanay na sanay na raw akong uminom. Sila ay may mga tama na samantalang ako ay wala pa. Maybe sanay na talaga ako dati pa or mataas lang talaga ang alcohol tolerance ng katawan ko.

Tapos kaninang umaga, kahit may mga hangover pa ay nagpicnic pa rin kami sa may falls na malapit lang sa resthouse nila Mikaela. Grabe ang ganda talaga ng lugar na ‘yun.

“Ouch!” daing ko. Sundutin ba naman ni Mikaela ‘yung pisngi kong may sugat!

“Ano pa ba kasi ang tinutunga-tunganga mo dyan?! We’re leaving so better get in the car pretty!” sabi nito at pumunta sa driver’s seat. Ako nama’y sumakay na rin. Sa passenger’s seat ako naupo dahil naunahan na ako ni Stefi sa likod. Gusto raw kasi nitong makatabi si Myles.

***

Eliza’s POV

Nakarinig ako ng katok sa pinto habang nakaupo ako sa kama at nagbabasa ng magazine. Baka si Arkray na ito.

“Come in!”

Pero nadisappoint ako nang pumasok ang isang katulong.

“Yes?” Ibinalik ko ang tingin sa binabasa ko.

“Ma’am, may bisita pong naghahanap sa inyo sa baba,” magalang na sabi nito.

“Sino raw?” tinatamad kong sagot at inilipat  sa sunod na pahina ang binabasa ko.

“Aya Hilton daw po Ma’am.”

Napatigil ako sa pagbabasa.

Kumunot ang noo ko. Pilit kong hinagilap ang pangalang ‘yun sa isipan ko pero wala akong makita o maalala.

Wala akong kilalang Aya Hilton.

“At saka Ma’am sabi raw po niya ay matagal na raw po kayong magkakilala at importante raw ang sadya niya,” dagdag pa nito.

Lalong kumunot ang  noo ko sa narinig.

“Just tell her to wait for a few minutes. Magbibihis lang kamo ako.”

Agad naman itong tumalima at lumabas ng silid.

Aya Hilton…

Who could that be? Wala naman na akong ibang kamag-anak. Kung sa mga kakilala ko naman sa business world, malabo rin. Anyway, masasagot rin naman ang katanungan ko mamaya.

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon