Chapter 14: Rogue VS Hugo

390K 10.5K 4.8K
                                    

Hey guys! Thanks sa votes and comments nyo. I really appreciate it! Nakakamotivate! talaga. <3<3<3 Sa uulitin. Hehehe!:DDD

Anyway, dedicated 'to sa 'yo. :-)

Eto na ang chapter 14. Enjoy reading! :D

Chapter 14: Rogue VS Hugo

Arkray’s POV

Nakaupo lang ako at nakapangalumbaba habang nakatingin sa labas ng bintana. Fifteen minutes pa bago ang klase namin kaya naman maingay sa loob ng classroom dahil sa tsismisan at harutan ng mga classmates ko.

Walang ganang ibinalik ko ang tingin ko sa loob.

Wala pa si Myles at wala pa rin siya.

The person who’ll bring life and energy to my dull morning isn’t here yet. Haist, nasaan na ba kasi si Pirate? Ang tagal naman niya!

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang humahangos na si Myles. Tsk, akala ko si Rogue na.

“Oy! Myley boy the nerd! Good morning!” bati ng isa naming kaklase rito.

“Morning!” ganting bati rito ni Myles. “Hi Arkray!”

“Hi!” bati ko rito.

Honestly, Myles isn’t a nerd and he doesn’t look like one. Hindi naman baduy ang eyeglasses nito at hindi rin ito baduy manamit. In fact maganda itong magdala ng damit. The only problem I see on him is that he is oozing with this nerdy and shy type aura.

“Classmates! Attention please!” malakas na sabi ni Janine na kumuha ng atensiyon naming lahat. Nakatayo ito sa platform sa harap at may hawak na notebook. Ito ang course president namin and at the same time class president na rin.

“Guys! Ma’am Roxas just called me to inform our class that she will not be around this week ‘coz she will be attending a conference in Thailand---” pag-aannounce ni Janine pero 'di pa nga siya tapos ay nagsigawan na ang buong klase.

“Yeheyyy!!!” Nagdiwang ang mga classmates ko na akala mo nanalo ng ticket for trip around the world. -_- Kami ni Myles ay tahimik lang pero masaya rin dahil wala kaming first class for one week.

“Classmates quiet!!!” saway ni Janine habang pinupukpok ang ibabaw ng teacher’s table. “Hwag muna kayong magsaya dahil hindi pa tapos ang announcement ko!” Tumahimik naman uli ang lahat.

“We don’t have a class on her for a week but..” Ibinitin pa nito ang sasabihin. Sinususpense pa kami. “May iniwan siyang assignment/activity for us to work on this week of her absence.” Kung kanina ay nagdiriwang ang buong klase, ngayon nama’y parang pinagbagsakan ng langit sa narinig. “Ma’am sent our assignment on my email kaya guys ibigay niyo na lang sa akin ang mga email address niyo para maisend ko sa inyo mamaya.” Tapos ay nagpasa siya ng papel para sulatan namin ng email add namin.

Nagulantang kami nang biglang bumukas ng marahas ang pinto kaya napatingin kaming lahat sa pumasok.

Si Pirate!!!

Biglang tumahimik ang room at parang naestatwa ang lahat pagpasok ni Rogue. Halata ang takot at pagka-uneasy ng mga classmate ko kay Rogue lalo pa’t matatalim ang mga tinging ipinupukol nito sa kanila. No wonder they’re scared.

We caught each others’ eyes while he walks towards me.

Geez! Hey heart! Why do you always freak out whenever he’s near?!

Huminto ito sa harapan ko at ipinatong ang isang malaking paper bag sa ibabaw ng desk ko. Tapos ay walang sabi-sabing lumakad ito papunta sa bakanteng upuan na nasa likod ko at doon naupo.

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon