Chapter 4: Hello Trouble! Hi 4 Nobles!

416K 11.4K 3.9K
                                    

Chapter 4: Hello Trouble! Hi 4 Nobles!

 

Arkray’s POV

2:45 P.M

Kasalukuyan kaming nakatambay ni Myles sa park sa loob ng Sang Real. Vacant kasi namin. Mamayang alas kuwatro pa ang next class namin.

Nakaupo kami sa isa sa mga benches na malapit sa fountain na nasa gitna ng park. Pentagon Plaza raw ang tawag sa park na ‘to kasi pentagon ang shape. -_-

“Hey Myles, tell me more about this school,” untag ko sa kanya.

“Last semester lang ako nagtransfer dito kaya wala akong masyadong maikukwento sa ‘yo. Pero sige, tungkol saan ba?”

“Tungkol dun sa sinabi mo kanina sa akin.”

“'Yun ba. Well as I said kanina, most of the students here ay mga delinquents, gangsters o ‘di kaya’y mga nabibilang sa Yakuza at Mafia. Hindi lang halata. Pero kahit ganoon, hindi kabi-kabila ang mga gulo o mga away dito. May order kasi dito, may ranks at hierarchy.”

“Hierarchy?”

“Yes. Ang mga pinakamalakas na mga group or gang ang nasa taas ng hierarchy at namumuno sa mga estudyante rito pati na rin sa ibang gangs na natalo nila. Sila ang batas sa school na ‘to at kung sino man ang bumangga sa kanila ay magiging impiyerno ang buhay dito liban na lang kung malakas ka at kaya mo silang talunin.”

“Oh. I never thought that this school would be like that. Akala ko na puro payamanan, pagandahan, pagwapuhan at payabangan lang ang makikita ko dito since puro elites ang mga nag-aaral dito.”

“Although kasama rin ‘yan.”

“Anyway, sino naman ‘yung nasa top rank o ‘yung nagru-rule dito?”

“Sa ngayon, ang nasa top rank ay ang 4 Nobles. A gang consisting of 4 members, obviously. Pero marami silang underlings o mga hawak na gangs. Makikilala mo rin sila sa Wednesday.”

“Wednesday? How come?”

“Classmates natin sila sa P.E.”

Napatango lang ako.  Sana naman maging okay lang sa Wednesday.

“Ah wait, meron pa pala,” pahabol ni Myles.

“Sino?”

“Iyong dalawang war freaks. Si Grae Lawrence na may pulang buhok at ‘yung isa naman ay si Hugo. Nakalimutan ko ‘yung last name niya.”

Grae Lawrence? That name sounds familiar. Very familiar.

“Transferee rin sila last semester tulad ko. Nakalaban nila ang 4 Nobles at natalo nila. Actually nakita ko kung paano nila nilampaso ang 4 Nobles. Those war freaks are really strong.”

Teka parang magulo ata. “Kung natalo nila ang 4 Nobles, bakit ang 4 Nobles pa rin ang nasa top rank?”

“Wala naman kasing pakialam ang mga war freaks na ‘yun sa rankings o hierarchy kaya hinayaan na lang nila ang 4 Nobles na maghari-harian basta hindi sila guguluhin o pakikialaman ng mga ito.”

“I see.”

So kung matatalo ko ang 4 Nobles katulad ng ginawa ng dalawang war freaks na ‘yun, hindi nila ako guguluhin at walang manggugulo sa akin!

‘Ay Arkray ambisyosa ka! Baka isang pitik lang sa iyo nasa ospital ka na!’ sabi ng isang bahagi ng isip ko.

 Fine! (_ _) Ba’t ko ba kasi naisip ‘yun!

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon