Chapter 29: The Masters of Sang Real

455K 9.4K 6.9K
                                    

Chapter 29: The Masters of Sang Real


Arkray's POV

"Arkray! Bilisan mo na dyan. Hwag mong paghintayin ang bisita mo!" narinig kong sigaw sa 'kin ni Mommy. Minamadali na ako nito dahil naghihintay na si Rogue sa baba. Sinundo ako nito at sabay kaming papasok.

I noticed that Rogue is getting sweeter everyday, pero sa akin lang. 'Pag sa ibang tao na kasi, maldito pa rin ito.

Nang makuntento ako sa ayos ko ay nagmamadaling na akong pumanaog.

.

.

.

"Sorry to keep you waiting," sabi ko kay Rogue matapos humalik sa pisngi sa nito.

"It's okay. I understand kung masyado kang nagpapaganda para sa 'kin," bulong nito.

Kinurot ko ito sa tagiliran. "'Di kaya!"

He just chuckled.

"Oy kayong dalawa dyan, tama na ang harutan. Umalis na kayo at malalate na kayo," narinig kong sabi ni Mommy. Nakabantay pala ito sa amin.

"Yes Mom,' Hinalikan ko ito sa pisngi. "Bye Mommy."

"Bye baby!"

"Sige po, dito na po kami, Mom," paalam naman ni Rogue.

See? Naglelevel-up na ang pirata. Mommy na rin ang tawag kay Mommy unlike noon na Tita lang.

"Geh. Ingat kayo. Diretso sa school huh! Baka kung saang hotel at condo pa kayo pumunta."

"Mommy naman!"

"Hwag po kayong mag-alala Mom. Sa school po talaga ang punta namin,"  ani ni Rogue.

"Just be sure..." may warning na turan ni Mommy.

"Sure," halos sabay pa naming sabi ni Rogue.

"Good. O siya, alis na kayo at baka malate pa kayo. Take care, babies!"

Hindi na ako nagdala ng kotse tutal naman ay sasakay ako sa kotse ni Rogue. Anupa't sinundo ako nito, 'di ba?

***

Wala kaming imikan ni Rogue habang nasa biyahe kami. Gayunpaman hindi nito binitiwan ang kamay ko hanggang sa makarating kami ng Sang Real.

We're holding each others' hand all throughout the ride.

...

"We're here," untag ni Rogue ng makarating kami ng school.

Then bababa na sana ito pero maagap kong hinawakan ang braso nito. "Wait. Dito muna tayo. Mamaya na tayo bumaba," sabi ko.

"Why? Do you want to have a kiss or... a quickie?" nakangising turan nito. Gumana na naman ang kapilyuhan nito.

"Tss! Nah. Perv!" inis kong sabi. Kung saan na naman napadpad ang utak nito.

"Then what is it?"

Imbes na sagutin ito ay binuksan ko ang bag ko at may inilabas mula roon.

"Here. Para sa 'yo," nakangiti kong sabi at iniabot sa kanya 'yung box.

"Ano 'to?" tanong nito habang sinisipat-sipat 'yung box.

"Ba't di mo na lang kaya buksan nang malaman mo?"

Hindi naman na ito umimik at tinanggal na lamang ang lace nung box at binuksan 'yun.

Napatingin ito sa akin nang makita ang loob nito.

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon