Chapter 25: The Ones Who Ruled

371K 8.6K 2.7K
                                    

Chapter 25: The Ones Who Ruled

Arkray's POV

Kasama ko ngayon sina Hugo at Mikaela sa isang ice cream parlor sa loob ng Sang Real. Kaming tatlo lang ang magkakasama. Si Stefi kasi ay may practicum ngayon tapos si Myles naman ay 'di pumasok. Nagpapaka-ermitanyo na naman sa lab niya at nag-iimbento na naman ng kung ano para bumalik sa dati 'yung buhok niya. Bright pink pa kasi hanggang ngayon eh. Then si Grae at Rogue naman ay nagpaalam muna sandali at may pag-uusapan lang daw silang importante.

Isang grupo ng kalalakihan ang dumaan sa tabi ng table namin papunta sa kabilang table.

"Ano na kayang mangyayari ngayong nagbalik na uli ang Dark Conqueror?" narinig kong tanong nung isang lalaki sa mga kasama nito. "Tapos kung magpakita pa ulit ang dalawa sa Triumvirate? Ang Dark Emperor at ang Dark Empress?"

Triumvirate? O.o

'Di ba 'yun 'yung tawag sa tatlong rulers ng ancient Rome?

"Gosh! Nakakainis na! Ano ba 'yang Triumvirate na 'yan?! O sino ba ang mga 'yan?!" biglang sabi ni Mikaela na bakas ang pagkairita sa mukha. "Ilang beses ko nang naririnig 'yan ah! Singer ba ang mga 'yan?! Artista?! K-POP? J-POP? P-POP?!"

Nagkibit-balikat lang ako,"I also don't have any idea," sabi ko sabay subo ng ice cream.

"Hwag niyo na lang intindihin 'yun. It's a gangster thing. Mga gangster lang nakakakilala sa kanila," seryosong sabi ni Hugo.

Right now, he's not the usual Hugo na maloko. Nakakapanibago nga eh. Napakaseryoso niya ngayon at hindi namin alam kung bakit.

Hindi kaya dahil nakatikim na naman ito ng kabrutalan ni Grae?

Anyway, back to the topic...

"Kung gangster lang ang nakakakilala sa kanila, then it means na gangster ka rin since kilala mo ang Triumvirate?" tanong ko.

"Oh my God! You're a gangster?!" bulalas ni Mikaela. Napalakas ang boses nito kaya napatingin sa amin ang ilang naroon.

"Sshh! Ang ingay mo!" iritadong sabi ni Hugo. Sinamaan pa nito ng tingin ang ibang naroon. Nag-iwas naman ang mga ito ng tingin at muling ibinaling sa iba ang atensyon.

Inismiran ito ni Mikaela. "Kdot! Pero ano nga?! Gangster ka talaga?" wika pa nito and this time, pabulong na ang pagkakasabi nito.

Bumuntong-hininga muna si Hugo bago sumagot. "Yeah. I was a gangster."

"You mean dati pero ngayon hindi na?" paniniyak ni Mikaela.

Marahang tumango si Hugo. "Ganun na nga."

"How come?" ani ko.

"Long story. At saka ayokong pag-usapan 'yan. My gangster life is already a closed book."

Hindi na kami nag-usisa pa. Siguro may hindi magandang nangyari noon.

"Anyway, kwentuhan mo na lang kami tungkol sa Triumvirate. Tell us what you know about them," paglilihis ko sa usapan.

"Yep. Tell us, we're curious," segunda ni Mikaela.

"Sige. Pero dun tayo," sabi ni Hugo at ininguso ang mesa sa pinakadulong bahagi.

"Okay."

At lumipat nga kami ng pwesto.

"So talk, we'll listen," sabi ko kay Hugo nang makaupo na kami.

"Triumvirate...It's a big thing on the gangster world," panimula ni Hugo. "From the world itself, Triumvirate is composed of three rulers. Sa gangster world, binubuo sila ng Dark Conqueror, Dark Emperor at Dark Empress. Ang tatlong 'yan ang naghari at kinatakutan sa buong gangster world two years ago."

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon