Chapter 23: I'm Blood...

363K 9K 2.5K
                                    

Hello again! (^O^)/

Things are getting more complicated in this quarter! 

Alam kong daming nalito sa last chapter tungkol dun sa Dark Conqueror ng Legendary Triumvirate. Some say it's Rogue... Hmm... Tingnan natin.... At saka dun sa design sa maskara ng DC at sa right eye patch ni Rogue, hindi ko alam na mamimislead kyo dun sa detail na yun. Don't bother yourselves, walang connection yun. Nagkataon lang na yun yung naisip ko. ^_^V

Tungkol naman sa right eye ni Rogue... May nagsasabing magkaiba colors nung mata niya? Hehe... Abangan na lang po ninyo... Expect the unexpected. Chos! :D Hehe!

Tungkol naman sa sa Triumvirate, hmm, kung nakikinig kayo sa teacher nyo sa world history, familiar kayo sa word na 'yan. Triumvirate ay term na tawag sa tatlong rulers sa Rome noon, isa dun si Julius Caesar. For further info, search nyo na lang, hehehe.) Ginamit ko yang word na yan dito sa story pra dun sa TATLONG tao na naghari sa gansgster world two years ago (according sa story na to). Kaya yun, kung sino ang tatlong yan, marereveal na lang 'yan. Given na dyan si Grae (refer to Chapter 20.3).

And lastly, ako na nagsasabi, regarding the massacre na namention ko na story, don't ignore the details na mababasa niyo sa mga chapters tungkol dun... The Vezallius and Meir massacre (refer to Chap.21), dyan po nag-umpisa ang lahat, it's the core of the conflict in the story... "two years ago.."

Yan nagbigay na ako ng mga clue.

Anyway, haba ng speech ko! Sensya na! ^___^

Basa na kayo! Enjoy! :D

Dedicated sa yo! Thanks for supporting NWTD! Mwahugs!

Chapter 23: I'm Blood...

 

Arkray’s POV

Hingal na hingal na ako at pagod na pagod!

Hindi ko alam kung bakit ako tumatakbo. Wala namang humahabol sa akin pero ba’t panay ang takbo ko?! At bakit hindi ko magawang huminto?!

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa hindi na kinaya ng katawan ko at humandusay ako sa lupa.

Ugh! D*mn!

Naipikit ko ang mga mata ko dala ng matinding pagod.

Teka, nasaan ba ako?

Ramdam ko kase ang basa sa malamig na sahig na kinalugmukan ko. Alam kong hindi ito basa ng tubig. Parang malapot kasi ito at malagkit. At saka ang langsa ng naaamoy ko.

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at tiningnan ang kamay kong nabasa ng likido.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makita ang matingkad na pulang likido na ‘yun.

D-Dugo?!

Pinilit kong bumangon at tumingin sa paligid ko...

.

.

.

Bloody hell!

Ganoon na lang ang hilakbot ko nang mapagtanto kung nasaan ako. Nasa gitna ako ng isang lugar kung saan puno ng mga taong duguan at wala ng buhay!

Nanlamig ang buong katawan ko at kakaibang takot ang gumapang sa akin.

Oh my God! Pakiramdam ko ay para akong mababaliw sa nakikita ko!

Then may nakita akong tao sa 'di kalayuan at nakatalikod sa akin. Balot ito ng kasuotang itim at may hawak na duguang katana sa kaliwang kamay!

S-Siya ba ang may gawa nito?! Siya ba ang walang awang pumatay sa mga tao dito?!

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon