Chapter 3: New Friends!

396K 12.1K 1.7K
                                    

Chapter 3: New Friends!

Arkray’s POV

Kasalukuyan kaming nagla-lunch ni Myles dito sa cafeteria ng Sang Real na ang dating ay tulad sa first class restaurants.

Sa iilang oras na nakasama ko si Myles ay marami na rin akong nalaman tungkol sa kanya. Maalam ito sa Science especially sa field ng Biology at Medicine. Mahilig din itong mag-imbento ng kung anu-ano. He’s really an intelligent person. But though, Business Management ang kursong kinuha nito, pareho kami. At kahit pa raw scientist ang Dad niya working abroad ay may maiiwan naman sa kanyang ilang business ang Mommy niya kaya ito ang kursong kinuha niya para kahit papaano ay may alam siya sa business.

Actually siya lang ang nagkukwento dahil siya lang ang may maikukwento. Kasi nga ‘di ba naformat ang utak ko. Nadelete lahat ng memory na nakasave dito.

Paalis na sana kami dahil tapos na kaming kumain nang may pumasok na isang maganda at sopistikadang babae. Para itong model at may pagkamataray ang dating. Pansin kong may mantsa ang damit nito na para bang nabuhusan ng kung ano kaya siguro mukhang bad mood ito ngayon.

Nakasunod naman dito  ang isang…gay? Well, halata naman kasi sa lakad nito kahit na panlalaki pa rin ito manamit o mag-ayos. Sayang cute pa naman.

May isa pa silang kasama. Isang babae na umiiyak. Hmm…I think I know what happened.

“Ang ganda talaga niya!” halos pabulong na sabi ni Myles pero sapat na para marinig ko. Tiningnan ko siya.

(*O*)

Ganyan ang itsura niya habang nakatingin doon sa magandang babae. Nagniningning ang mga mata. No doubt, Myles likes her.

“D’you know them?” tanong ko sa kanya.

Nakita kong bumili iyong magandang babae ng juice na nasa large size plastic cup.

“Yes I know them. Iyong maganda, si Mikaela at ang kasama naman nitong bading ay ang pinsan nitong si Stefano pero Stefi kung tawagin siya,” sagot nito na nangingislap pa rin ang mga mata. Hindi nito maialis ang tingin doon sa Mikaela.

Napapangiti na lang ako sa inaasal ni Myles.

“Eh ‘yung isa? ‘Yung umiiyak?” tanong ko.

“Hindi ko kilala,” sagot nito.

“You know what? I want to spill this on your ugly face!”

Nagulat at napalingon ako nang marinig ko ang mataray na sabi ni Mikaela doon sa babaeng umiiyak. Hawak nito ang baso ng juice.

“Mikaela, sorry talaga! Hindi ko naman talaga sinasadya eh!” Lalo pang umiyak ang babae.

Lahat ng tao sa cafeteria ay nasa kanila na ang atensiyon. Ang iba ay nagbubulungan pa.

“But don’t worry, I’m not that bad,” Mikaela smirked.

Ano naman kaya ang plano nito?

“Since you haven’t drunk your juice earlier because you spilled it on me, here…” Iniabot ni Mikaela ang juice sa babae. “I give this to you.”

Halatang nag-aalinlangan ang babae na tanggapin iyon.

“Come on, don’t be shy…”

At kinuha na nga ng babae iyong baso.

Mikaela made an evil grin. Uh oh!

“Now drink it…

.

.

.

all of it...

.

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon