Chapter 5: Scary Arkray!

363K 10.7K 1.2K
                                    

Chapter 5: Scary Arkray!

Arkray’s POV

Waaahhh! Wednesday na! P.E na! Classmates namin ang 4 Nobles! T___T

Kahapon tahimik ang buhay namin kasi wala sila. Hindi sila pumasok dahil nagpaconfine raw sila sa ospital para masigurong hindi sila magkakaroon ng skin disease sa ginawa ni Myles. Pero ngayon papasok na raw sila.

“Ma’am, nandito na po tayo,” magalang na sabi ni Kuya chauffeur at pinagbuksan ako ng pinto ng limo.

“Ah okay. Thanks.” Bumaba na ako.

Bloody hell kinakabahan ako! >_< Hwag na lang kaya akong pumasok? Pero kawawa naman si Myles kung mag-isa lang siya.

Aish! This is it! Bahala na, wala nang atrasan ‘to! Think positive Arky! All is well! Aja!

Halos 20 minutes yata akong naglakad bago ko narating ang gym.

Pagkarating ko ay nakita ko sina Myles, Mikaela at Stefi sa may bleachers. Naka P.E attire na ang mga ito. Classmates pala namin sila ni Myles. Ang saya naman.

Nagpalinga-linga ako. Mabuti at wala pa ang 4 Nobles pati si prof.

Pumunta muna ako sa locker room na at the same time ay dressing room na rin para magpalit ng P.E attire. After kong magbihis ay pinuntahan ko na ‘yung tatlo.

Mukhang pinagtitripan ni Stefi si Myles na nakaupo lang at pulang-pula ang mukha. Si Mikaela naman ay tawa lang ng tawa. Makisali nga!

“Hi guys! Mukhang nagkakasayahan tayo ah!” sabi ko nang makalapit ako sa kanila.

“Hi Arky! Si Stefi kasi--- Bwahahahahaha!” Tawa ng tawa si Mikaela.

“Hi sissy! Eto kasing si Clahadol," ani Stefi na naka-pout. Ini-emphasized pa nito ang Clahadol. "Pahard to get pa!”

Mukhang alam na nila ang full name ni Myles.

“Lol! Stefano! Kaya ka hindi sinasagot ni Clahadol kasi tinatawag mo siyang Clahadol! Hahahahaha!” tawa ng tawa pa ring sabi ni Mikaela. Hindi ko alam kung saan ito natatawa, sa pangalan ni Myles o sa pinaggagawa ni Stefi.

These two are crazy. Pinagsisigawan pa talaga nila ang first name ni Myles. Ayaw pa naman nito na tinatawag siya sa first name niya. 

“Nililigawan mo si Myles, Stefi?” Ako.

“Gosh Arky ang slow mo ha! Anyway, oo, kanina pa nililigawan ni Stefi si Clahadol. Kung anu-ano na nga ang binabanat ni bakla eh. Halos manyakin na si Clahadol! Hahahaha!” sabi ni Mikaela.

“Hahaha! Ganun ba?” Sinulyapan ko si Myles. Kawawa naman, hindi makapalag. Pulang-pula na ang mukha ni Myles, hiyang-hiya na. Hahaha! Loko-loko talaga ‘tong si Stefi.

“Watch out!!!” narinig naming sigaw kaya napalingon kami.

Then in split seconds…

"Agh!" daing ko.

May tumamang bola sa mukha ko! Bumagsak ako dahil sa lakas ng tama ng bola sa akin!

Bloody hell!!! Are the 4 Nobles already here?!

My butt hurts dahil sa pagkakabagsak ko at medyo nahihilo ako dahil sa lakas ng pagkakatama ng bola sa mukha ko. Tapos naramdaman kong may malapot na likido na umaagos galing sa ilong ko kaya inalam ko.

Nakita kong may bahid ng pulang likido ang mga daliri ko!

I-It's b-blood!

And out of nowhere, an image or scene flashes on my mind…

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon