Chapter 20.1: Team Rocket?!

332K 10.8K 5.3K
                                    

Chapter 20.1: The Fight Against the 4N! Team Rocket?! O.o

Arkray's POV

Time check: 8:20 P.M.

Tss! Nagugutom na ako!

Ang tagal naman nila Grae! I already want to get out of this bloody place!

Sa isang abandonado at hindi pa tapos na gusali ako dinala ng 4N at ng mga alipores nito.

Tsk! May pakidnap-kidnap pa kasing nalalaman eh! Hindi tuloy ako nakapagtake ng exam kanina and most of all, hindi ko nakita si Rogue!

Flashback...

Pagkagaling ko sa locker ay papunta sana ako sa library para magreview sandali pero bago pa man ako makarating doon ay bigla na lang may tumakip na panyo sa ilong ko. At ilang segundo matapos kong maamoy ang gamot sa panyong 'yun ay nawalan na ako ng malay. -_-

End of flashback

=_=

Tss! Pinilit kong makalag ang tali sa kamay ko pero hindi ko kaya. Masyadong mahigpit ang pagkakatali at isa pa, wala akong energy. Eh sa nagugutom ako eh!

Tumingin ako sa paligid. Ang dami nila. Hindi ko akalain na ganito karami ang underlings ng 4N. Though alam kong kayang-kaya ito nila Grae. Kahit hindi ko pa siya nakikitang lumaban, deep inside, I know that she can beat these guys into pulps!

Mayamaya ay lumapit sa akin 'yung isa sa 4N na nakasalamin. 'Yung mukhang tahimik at hindi palakibo. Ano ba 'yung pangalan nito? Nakalimutan ko na.

Umupo ito sa harap ko at inilapag sa pagitan namin ang isang plastic na may tatak na Jollibee.

Nang maamoy ko ang pagkain ay lalong kumalam ang sikmura ko.

"Here, kumain ka na," sabi nito.

"Uh, thanks." Nagpasalamat pa rin ako kahit papaano. "Hindi mo ba muna ako kakalagan dito?"

"Hindi. Hwag kang mag-alala, susubuan naman kita eh."

"O-Okay." Kahit awkward ay pumayag ako. Hindi na ako nag-inarte. Gutom ako eh! -_-

Summer's POV

Malapit na ang oras. Tingnan natin Grae kung hindi ka pa lumuhod mamaya sa 4 Nobles. Ngumisi ako at sinulyapan si Arkray na kasalukuyang pinapakain ni Oliver.

Tsk! Tsk! Poor girl!

***

Hugo's POV

Narito na ako sa Rocky Road Subd. Phase Coffee Crumble, Block Cookies 'n Cream, Lot Double Dutch.

Nakakapaglaway naman ang pangalan ng lugar na 'to! ^Q^

Pero kung gaano ka-yummy ang pangalan nito, ganun din ka-yucky ang itsura nito. -_-

Pagpasok ko pa lang sa compound nakita ko na ang 4N at mga alipores nito. Mukhang narito lahat ang underlings ng 4N. Mukhang mahihirapan kami ni Grae sa dami nila.

"Hello! Hi! Ola! Mushi-mushi! Annyeong! Magandang bati! ^____^" pambungad ko sa kanila.

Grabe ah! Seryoso mga peslaks nila!

"Asan si Grae?" seryosong tanong ni Kyfer.

Nauna pala ako rito kesa kay Wifey.

"Papunta na siya rito," sagot ko. "Hwag ka namang masyadong atat Kypee! Excited much lungs?! Hwag kang mag-alala! Mabubugbog ka rin mamaya ni Grae Wifey ko! Trolololo! XD"

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon