Chapter 24: Rage

442K 9.4K 4.2K
                                    

Chapter 24: Rage

Arkray's POV

Tuesday, 4:20 P.M.

Narito kami ngayon sa Mini Forest. Dito na ang tambayan naming pito kapag vacant time namin.

Ngayon, anim lang kaming narito. Wala kasi si Hugo, nasa clinic. Binugbog na naman pala kasi ni Grae kanina. Poor Hugo...

Anyway, kanya-kanya kaming pwesto sa ilalim ng puno habang pinapapak ang cookies na ginawa ni Stefi. Napapagitnaan ako nila Rogue at Grae habang si Stefi naman ay nasa likod ko at ibini-braid ang buhok ko. Wala kasing magawa si Stefi kaya ang buhok ko ang napagdiskitahan.

Then, kaharap naman namin sina Mikaela at Myles. Si Mika ay nagdo-drawing sa sketchpad nito habang nakasandal kay Myles na nakatungo lang at walang reklamo. Kaninang umaga ko pa napapansin ang pagiging matamlay nito ngayon. Idagdag pa ang nakakapanibagong suot nitong bonnet na hindi ko pa nakitang tinanggal niya mula pa kanina.

I wonder what's troubling Myles...

"There Arkybels! Finish na! *O*" natutuwang sabi ni Stefi sabay abot sa akin ng salamin.

Napangiti ako nang makita ang repleksyon ko sa salamin. Kinapa ko pa ang buhok ko. Maganda at maayos ang pagkakabraid nito sa buhok ko. Tas kakaiba pa 'yung design ng braid nito.

"Ganda ah," nakangiting wika ko kay Stefi.

"Of course Arkybels! Yieee! Ganda-ganda talaga ng masterpiece ko!" Tuwang-tuwa ang bakla.

Binalingan ko si Rogue. "It's nice isn't it?" malapad ang ngiting tanong ko rito.

Tumingin lang ito at di sumagot. Ni tango ay wala.

Haist! Si Pirate talaga! Pinaiiral na naman ang pagiging suplado! -_-

Tss! Pinaningkitan ko ng mga mata si Rogue at mukhang tinablan naman ito.

"It's beautiful. Indeed it is. Bagay nga sa 'yo," medyo lumambing na sabi nito pero patuloy ko pa rin itong pinaningkitan.

"Maganda nga. Promise..." sabi uli nito na bahagya pang nakangiti.

'Yan! Ganyan!

"I know. Thank you!" nakangiti nang sabi ko rito.

"Eherm!" biglang singit ni Grae na may panunudyong tingin kay Rogue. (>U>)

"Tss!" Rogue. Nagsuplado na naman.

Sinamaan ko ng tingin si Grae. Panira eh! Nahiya tuloy si Pirate.

"Hoy Graebels!" sabi ni Stefi sabay batok dito. Buti nga!

"Panira ka gurl ng dalawang magjowa dyan! Pansinin mo na kasi si Hugo na patay na patay sa 'yo ng hindi ka bitter at nagseselos sa kasweetan ng iba dyan!" bulgaran pang sabi ni Stefi.

"Hoy bakla! Tumahimik ka nga dyan! Makabatok ka ah! Baka gusto mong matulad sa pugong 'yon?!" asik ni Grae. "Gusto mo bang maratay din?!"

"Hehehe! Ikaw naman friend, masyado kang high blood! Hindi ka na mabiro! Joke lang 'yun Graebebelabs! Hehe! ^0^v"

Natawa ako sa inasal ni Stefi. Biglang bumait eh.

"Ibi-braid na lang kita Graebehbeh! Oh M! Ang ganda naman ng pagkared ng hair mo gurl!"

"Duh! Dati na 'yang maganda! Ngayon mo lang napansin!?"

"Anong idinye(dye) mo rito gurl?"

"Excuse me! FYI! Natural na pula ang buhok ko noh! At saka... Tss!" Tinabig nito ang kamay ni Stefi. "Hwag mo ngang hawakan ang buhok ko!" inis na turan ni Grae.

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon