Chapter 30: Awakening Vincent

443K 9.5K 8.5K
                                    

Chapter 30: Awakening Vincent

 

Grae’s POV

Nakakainis!!!

I wanna get rid of this freakin’ bed and beat that Dark Conqueror into pulp!!!

Awww! >O<

Bigla akong napahawak sa tiyan ko nang gumuhit na naman ang sakit. Urgh!

Tss! Wala akong nagawa kundi ilatag na naman ang likod ko sa kama.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at nabungaran si Rogue.

Umayos ako at pinilit na hwag mapangiwi sa sakit dala ng pagkilos ko lalo't hindi ako sanay na ganito ang kalagayan ko sa harapan ni Rogue.

I don’t wanna be a weakling in front of anyone.

Bigla itong ngumisi nang nakakaloko sa akin. “Ano ang pakiramdam na masaksak ng sarili mong punyal?”

“Shut up! Kung aasarin mo lang ako, lumayas ka na lang at makipaglampungan kay Blood! Err—I mean, Arkray." Tss! Nubeyen! >,<

Napansin kong nawala ang ngisi sa mga labi nito.

“Blood...” bigkas nito. “Did you mean Blood-eyed demon?”

Nagulat ako sa sinabi nito. O_O

“Hindi ah!!!” biglang sabi ko. “Naitawag ko lang sa kanya ‘yan dahil sa expression nyang ‘bloody hell’,” depensa ko pa.

“No need to deny it, Grae. I already knew who she is. Her real name is Vincent Vezallius, right?” wika nito na sobrang ikinabigla ko na yung tipong hindi na ako makapagsalita.

Nagpatuloy ito. “Nabigla ka ba? Nagtataka ka ba kung paano ko nalaman? Well, minsan ko nang nakita ang Vezallius insignia sa likod ni Arkray at ang presensiya ngayon ni Aranea ang nagkumpirma nun.  Naging malinaw na sa akin ang lahat...”

Hindi ko na alam ang sasabihin ko rito. Gustuhin ko pa mang magkaila pero wala na akong maapuhap na sabihin dito.

Alam na niya at 'di na ako makakapagdeny pa.

“Hindi mo man lang din sinabi na may kaugnayan ka pala sa mga Vezallius. No wonder na maimpluwensya rin ang mga Asakura,” sabi pa nito.

 “So what’s your plan? Mamamaalam ka na ba? You’ll gonna break up with her and leave her?” seryosong tanong ko rito.

Tiningnan ko pa ito ng mariin. Gusto kong mabasa ang emosyon sa mukha nito.

Wala ang inaasahan kong emosyon dito. Wala akong nakikitang galit sa mga mata nito.

Bigla itong ngumiti na hindi ko naman inaasahan. “Sa tingin mo?”

“Tss! Don’t break her heart, Rogue. ‘Yan ang hwag na hwag mong gagawin,” seryosong sabi ko. “Ngayon lang siya nagmahal. Ngayon lang siya naging masaya...”

“Hwag mo akong itulad sa iba, Grae. I’m not that kind of man. Hindi porke nalaman ko ang tunay niyang pagkatao ay magagalit na ako sa kanya, na lalayuan ko na siya o di kaya’y gagawa ng laban sa kanya,” seryosong sabi nito.

“Natatakot lang ako na bumalik siya sa dati. Mabuti nga at hindi pa nanunumbalik ang mga alaala niya...” turan ko.

“She’ll never be back to her old self again. I’ll assure you, ako ang kanyang magiging dahilan para hindi na siya bumalik sa dati. She’ll never be the demon she was used to be...” wika ni Rogue.

Napatawa ako ng pagak. “The word ‘demon’ isn’t enough to describe her. She’s beyond that. Kaya ihanda mong mabuti ang sarili mo, lalo na ang puso mo...”

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon