Chapter 21: The Pirate's Kiss

438K 10K 5.2K
                                    

"A peach is a peach, a plum is a plum. But a kiss isn't a kiss without some tongue..."

XD

Chapter 21: The Pirate's Kiss

After several weeks...

Philippines, 8:20 A.M.

Arkray's POV

Papunta ako ngayon sa Sang Real sakay ng baby McLaren ko. One week din akong absent sa school. Pina-excuse kasi ako ni Mommy dahil sinama ako sa Thailand for a business trip. Aside sa school, tini-train din ako ni Mommy at ini-expose sa real world ng business. Though hindi naman puro about business ang inatupag namin doon ni Mommy. Syempre namasyal din kami doon.

After some minutes, nakarating din ako sa Sang Real.

Whew! I miss school!

Tahimik na ang buhay namin dito sa Sang Real. Hindi na kami ginugulo ng 4N kahit ng mga alipores nito. In fact, medyo ilag pa nga ang mga ito sa amin. Mga natrauma siguro. Masyado sigurong binugbog nila Grae nun. Haha!

Matapos kong ipark ang sasakyan ay naglakad na 'ko papunta sa classroom ng first subject ko. As usual, lahat na naman ng mga mata ay nakatuon sa akin. Hindi pa ba sila nagsasawa sa pagmumukha ko?

'Yung iba todo greet at smile pa rin sa akin especially boys. At saka pansin ko lang, kung mahawi sila at magbigay-daan sa akin eh wagas!

"Arky!" Nilingon ko 'yung tumawag sa 'kin at napangiti ako nang makita ko si Mikaela.

Mikaela's POV

Halos magkasunod lang kaming dumating ni Arkray sa Sang Real. One week din siyang nawala at I really miss her a lot kahit may sapi siya minsan.

Nakita ko kung paano mahawi at magbigay-daan sa kanya ang mga estudyanteng makasalubong at madaanan niya. Napapailing na lang ako. Iba talaga ang dating ng babaeng 'to. She really has this natural aura that can really intimidate others and can make them feel that she's superior to them.

Binilisan ko pa ang paglalakad para maabutan siya.

"Arky!" tawag ko rito. Napalingon naman ito at napangiti nang makita ako.

"I really miss you pretty!" sabi ko sabay yakap sa kanya.

"Haha! I miss you too Mika!"

"Pasalubong ko!"

"Ah yes! Nasa kotse pa 'yung mga pasalubong ko sa inyo. Mamayang lunch ko na lang ibibigay. Sabay-sabay na tayong maglunch sa cafeteria. Kindly tell Stefi na lang ha," sabi nito.

"Sure!" I looked at my watch. "Uh-oh! Gotta go pretty! See you later!"

"Okay. See yah!"

Arkray's POV

Napakunot ang noo ko nang mabuksan ang pinto ng classroom.

What the---?

Where are my bloody classmates?!

Nadatnan ko kasing walang katao-tao sa room pagpasok ko. Though tumuloy pa rin ako sa loob at umupo sa upuan ko.

Nasaan kaya 'yung mga 'yun? Hindi kaya walang klase?

Tiningnan ko ang glass board. Wala namang nakalagay na kahit anong announcement o note. Tss!

Matawagan na lang nga si Myles.

Calling Myles...

Ang tagal pa bago sagutin! Tsk.

"Hey Myles!" bungad ko nang sagutin nito ang tawag.

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon