Chapter 34: Truth and Lies

450K 9.9K 7.3K
                                    

Pasensiya po kung inabot uli ng dekada ang update. ^__^v

Enjoy reading! ^___^

Chapter 34: Truth and Lies

 

One week after...

Rogue's POV

"Boss..."

I deepened the kiss as my hands trace and feel the curves and firm-smoothness of her body.

I heard her chuckled, "Dragon..."

Bigla akong napamulat para lamang mapagtantong hindi si Arkray ang taong kayakap ko. Sa inis ko ay naitulak ko pa ito.

"B*tch!" inis kong wika ko rito.

Tumawa lang ito bilang ganti. Parang wala lang dito ang ginawa ko.

Tss!

"Get out!" singhal ko pa rito.

"Haha! C'mon Coren, don't be mad. Ginigising lang naman kita eh," nakangiting wika nito habang tumatayo mula sa pagkakahulog sa kama. "Anyway, breakfast is ready."

"I don't 'effin care! Get lost!"

Hindi ito natinag sa ginawa ko. Kumindat pa ito bago lumabas ng kwarto.

Tss! D*mn that b*tch! How dare her!

Marahas kong pinahid ang mga labi kong nahalikan pa lang nito kanina.

Tss!

...

Sa sobrang inis ko ay pabagsak akong umupo ako sa gilid ng kama. Naihilamos ko ang palad ko sa mukha ko saka bahagyang natigilan...

I just dreamt of Arkray. Kumusta na kaya siya?

It's been a while at masyadong marami na ang nangyari.

Tss! I hope she's fine.

Bigla  akong napatayo at nagpasya. Hindi na dapat ako magtagal dito at mag-aksaya ng panahon. Mukhang maayos naman na ang lagay ko.

Buo na ang desisyon ko at wala nang makakapigil sa akin.

Babalik na ako ng Pilipinas para makasama uli si Arkray!

***

Tahimik na nakatayo sa may pintuan si Emlir habang pinapanood akong mag-impake ng iilang pirasong damit na dadalhin ko pauwi ng Pilipinas. Kanina ko pa napapansin ang hindi mapalis na ngisi nito sa mga labi.

Nakakairita!

"What?!" Hindi naikubli ang inis na nararamdaman ko sa tono ng pananalita ko.

"If I were you Coren, hindi na ako tutuloy," wika nito na ikinaningkit ng mata ko. "You better stay here with me dahil wala ka nang babalikan pa sa Pilipinas."

Natigil ako sa ginagawa ko at nilapitan ito. Napadaing ito nang masaktan sa mahigpit kong paghawak sa braso nito.

"Anong alam mo?!" seryoso kong tanong dito. Alam kong may alam ito sa nangyayari sa akin at sa buong pagkatao ko. Hindi ito kung sino lang na nakapulot at nagligtas sa akin.

"Everything Coren. Everything!"

"Sino ka ba talaga?!" Konti na lang at mapapatid na ang pasensya ko sa babaing 'to.

Isang matamis na ngiti ang isinagot nito sa akin.

Binitawan ko ito at dumistansya dahil baka masapak ko na ito kahit babae pa 'to. Tss!

"Your Arkray is already 'dead' so you'll just waste your time going back to the Philippines!" sabi pa nito na tuluyang ikinagalit ko.

Marahas kong idiniin ito sa pader habang mahigpit na nakasakal dito.

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon