Chapter 42: The Empress' Downfall

289K 5.9K 5.4K
                                    

Chapter 42: The Empress' Downfall

Grae's POV

'Paano namin maliligtas si Blood kung hindi naman namin alam kung sino ang nagpadukot sa kanya?!'

Si Victoire ba o ang mga Elric?!

Tss.

'Yan ang kanina ko pang iniisip habang papunta sa lungga ng Tartaros. Tch.

Tinawagan ko na si Brix at ipinaalam dito ang nangyari. Sinabi ko na ring papunta ako at hwag nila akong mabigyan ng pesteng pagwelcome nila dahil hindi ako si Blood!

(-_-)

Pinaharurot ko na ang sasakyan ko para makarating agad sa paroroonan ko. Tumatakbo ang oras at 'di kailangan mag-aksaya ng panahon! Hindi natin alam kung ano na ang nangyayari sa kanya sa mga oras na 'to.

***

Grae's POV

Nadatnan ko ang Tartaros na animo'y handa nang sumabak sa giyera. Handa na ang mga baril at ibang mga armas ng mga ito.

Hinanap ng mga mata ko si Liam na pinaghihinalaan ni Sado na si Victoire. Nakita ko ito sa may bandang dulo at mukhang malalim ang iniisip.

"What exactly happened to Blood?" seryosong tanong ni Brix dahilan para maibaling ang atensyon ko rito.

"After her meeting with Max Ludwig on Ludwig's hotel, some goons attacked your beloved empress. At 'yun, mukhang natalo siya at natangay ng mga umatake sa kanya."

"Parang ang hirap paniwalaan na natalo si Blood ng ganun lang. It's really unbelievable espcially for the one who wiped out the Meirs," sabi ng isa na hindi ko maalala ang pangalan. -_-

"Yeah. Who the hell is Max Ludwig by the way?" Brix.

"Business partner siya ng Vezallius sa ibang legal businesses nila. At kung iniisip niyong may kinalaman siya, pwedeng meron nga o wala. Inaaksyunan na 'yan ngayon nila Kuya Arkand."

"Si Victoire lang naman at ang mga Cipher Pol ang pwedeng gumawa nun," sabi ni Sado. Hindi nakaligtas sa akin ang matalim na tinging pinukol nito kay Liam.

"'Yan din ang nasa isip ko. Pero may isa pang pwedeng gumawa nito," sabi ko at muling silang napatingin sa akin.

"Ang mga Elric."

Kumunot ang noo ni Brix. "Elric? The family of assassins?"

Tumango ako.

Kung noon pa man ay gusto nang patayin ni Reagan si Blood, ano pa siguro ngayon na pinatay ni Blood si Rage?

Mabuti kung si Reagan lang pero hindi na siguro ngayon...

Ayoko sanang isipin pero sana ay hindi nagpaplano si Rogue na maghiganti kay Blood.

Pero kung aasa naman akong mananaig pa rin ang pagmamahal ni Rogue kay Blood matapos ng nangyari, then I'm stupid.

Tsk.

"Ngayon, hindi ko na siguro kelangan pang sabihin kung ano ang kailangan niyong gawin dahil alam niyo na 'yun."

Tumango si Brix. "We'll handle Victoire and the Cipher Pol. Ililigtas namin si Blood."

Then binigyan ko sila ng ilang detalye tungkol sa Rivierre mafia pati na rin sa Cipher Pol. Baka lang kailanganin nila.

"At ikaw? Ano ang gagawin mo?"

"I'll handle the Elrics," seryoso kong sabi.

Sa ngayon, ako lang ang pwedeng makipagtuos sa kanila...

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon