Chapter 33: The Demon Awakens

334K 7.5K 6.2K
                                    

Hello NWTD readers. Pinost ko uli 'tong Chapter 33 dahil yung dati ay nakaprivate at di ko na mabago sa pagiging public. Maraming na ding nagmessage sa akin na di nila 'yun mabasa kahit naka-follow sila sa akin, kaya pinost ko na lang uli.

Kung may ma-encounter pa kayong prob, sabihin niyo lang.

Anyway, may link ng Chapter 34 na nilagay ako sa end ng chapter nito kaya sa hindi makapagproceed sa next chap, just please see the link!

Thanks! :)



Chapter 33: The Demon Awakens

Sofia's POV

Flashback...

"This is the happiest day of my life Hon!" masaya kong wika sa lalaking pinakasalan ko at sobrang minamahal ko. Si Baron Meir.

"Me too Sweetheart!" ganting wika nito at napahagikhik kaming dalawa.

"I wanna be with you right now but I think we better face the guests first. Kanina pa nila hinihintay ang bagong kasal," wika ko.

"Tss."

"Tara na," yakag ko rito at hinila na ito palabas ng kwarto.

"Nga pala, hindi ko pa nakikita ang mga kapatid mo mula pa kanina sa cathedral," wika nito.

"Yeah. Those boys. Gumala pa ata. Tsk. But don't worry, mayamaya 'y nandito na rin ang mga 'yun."

Masaya kaming nakisalamuha sa mga bisita sa grand hall ng mansyon nang makarinig kami ng mga malalakas na pagsabog at mga putok ng baril.

"What's that?" kinakabahan kong sabi.

Hinapit ako ni Baron at mahigpit na niyakap.

Patuloy ang mga pagsabog at wala kaming nagawa kundi tumakas.

Inihabilin ako ni Baron sa ilang mga tauhan nito para tumakas.

"No Hon! If you will stay I will stay! If you will fight then I'll also fight!" pagmamatigas ko.

"It's too dangerous!" sigaw ni Baron.

Nagmatigas pa rin ako. Hinding-hindi ko ito iiwan...

...

Wala na kaming marinig kundi mga pagsabog, putok ng mga baril at mga sigawan ng mga taong pilit na isinasalba ang mga buhay nila sa nakaambang panganib.

Lahat ng mga buhay pa ay nagtipon sa grand hall para sa proteksyon. Walang makatakas dahil sa nababakuran ng apoy ang buong paligid ng mansyon. Tss!

Mayamaya'y sumabog ang double doors dahilan para mamatay ang karamihan malapit doon.

Nang maglaho ang usok na likha ng pagsabog ay nakita namin ang isang taong balot ng itim na kasuotan at nakamaskara. Ang kanang kamay nito ay may hawak na baril at sa kaliwang kamay naman ay isang katana. Mabilis nitong inaatake ang sinumang nakaharang sa daan nito.

At nag-iisa lang siya...

Pagdaka'y humarap ito sa amin at itinutok ang baril.

"Taste the Vezallius revenge!" mas malamig pa sa yelong wika nito.

Naguluhan ako sa sinabi nito. Revenge? How come? Meir and Vezallius are mafia allies!

...

...

And the next thing happened...

...

End of flashback...

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon