NWTD Special Chapter 1.2

163K 4.6K 2.5K
                                    

Part 2 of 2

Third Person's POV

"Boss?"

"Huh, again?" ani Vincent nang lingunin niya si Rogue. Lulan sila ng private plane papunta ng Gloucester.

"What's bothering you?"

"Nah. Wala naman. Anyway, have you found any useful data?"

"I guess we better not talk about business for now," ani Rogue at inilapag ang laptop sa lamesa. "You seem a bit off. Kanina ka pa tulala. May problema ba?"

"Aside from this mafia thing? Wala. Namimiss ko lang agad ang dalawang bata."

Hinawakan ni Rogue ang kamay ni Vincent at marahang pinisil. "Don't worry, tatapusin natin agad ang problema para makauwi agad tayo."

Gumanti naman ng pisil si Vincent. "Hindi na ako makapaghintay na makauwi." Napabuntong-hininga ito pagdaka. "Siyanga pala, nag-utos na ako ng tao para ipabackground check ang bago yaya ng mga bata..."

***

Samantala, sa isang luma at abandonadong planta sa labas ng lungsod ay naglulungga ang isang grupo ng mga sanggano na nasasangkot sa ilang mga ilegal na transaksiyon sa lungsod tulad ng droga at human trafficking, ang Scorpion. Maliit lang ang grupong ito pero makamandang at unti-unti nang nagiging matunog sa mga awtoridad dahil sa abilidad sa paggawa ng krimeng kinasasangkutan.

"Boss Glenn, kakatanggap ko lang po sa tawag ni Madamme, tagumpay ang plano na makapasok siya ng mansyon. Tatawag na lang daw uli siya sa kung anumang balita," masayang sabi ni Nero, ang kanang kamay ni Glenn Magno.

"Mabuti kung ganoon," sagot ni Glenn pagkatapos ay binugahan ng usok mula sa tabacco ang hawak na dalawang litrato ng mga batang target nila ngayon. Base sa nakalap nilang impormasyon mula sa kanilang bubwit ay napakayaman ng pamilya ng dalawang batang ito. Kung magtatagumpay sila sa plano ay siguradong tiba-tiba ang kikitain nilang pera lalo't liban sa ransom, tiyak nilang maraming magkakainteres sa mga ito lalo na sa batang lalaking may pulang mata kapag pinasubasta nila ito sa black market. Ito ang naiisip nilang hakbang para makapasok at mapabilang sa elite ng underground society. Kapag nangyari 'yon ay magkakaroon sila ng access sa mga ilang impormasyon ng mga naglalakihan at prominenteng pamilya ng mafia sa underground society at pagkatapos ay unti-unti nilang pababagsakin ang mga 'yon hanggang sa sila na ang maghari. Hindi na sila ang pipitsuging grupo minamaliit ng underground society!

"Mabuti sigurong ihanda mo na ang mga tao natin ang mga kakailanganin para sa kung sakaling magbigay ng hudyat si Brenda ay handa na tayo," wika pa ni Glenn habang nakangisi. "Alam ko at nararamdaman kong malapit na tayong magtagumpay sa mga plano. Siguradong walang kahirap-hirap si Brenda sa mga plano sa kambal na iyon."

***

Vezallius-Elric mansion...

Halos makagising ng patay ang sigaw na iyon ni Brenda habang tila ito bolang nagpagulong-gulong sa matarik na hagdan ng mansyon. Binalandra lang naman kasi ng kambal ang skateboard sa hagdan pagkatapos ay ginulat ang yaya nila nang pababa na ito sa pamamagitan ng direwolf kaya 'di nito napansin ang nakahambalang sa hagdan. Natapakan nito iyon at napadausdos.

"Hahaha! Ang lampa ni yaya!" tawang-tawa na wika ng kambal at nagpadausdos sa railing ng hagdan.

"Oh my God!!! Loras!!! Claude!!! Ano na naman ang ginawa niyo?!" sigaw ni Aranea nang mapasugod dahil sa narinig na sigaw ni Brenda. Agad nitong inalalayan ang yaya na halos hindi makatayo. Hindi naman ito nabalian ngunit tila masama ang tama sa balakang.

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon