Chapter 20.3: Battle Ended! 4N? Defeated!

394K 10.4K 2.4K
                                    

Chapter 20.3: Battle Ended! 4N? Defeated!

Third Person's POV


Binalot ng matinding tensyon ang buong lugar matapos ang nangyari kay Arkray.

"Tapusin na natin 'to, 4 Nobles," buong kaseryosohang wika ni Grae.

Seryoso na rin ang 4N. Lumapit ang mga ito sa kinarororoonan nila Grae liban kay Kyfer. Hindi na kasi ito makakalaban dahil nabalian ito ng panga sa ginawa ni Arkray. Tapos ay pasimple pa itong binaril ni Mikaela ng pampatulog nang makaalis ang 4N.

Samantala, dinala muna ni Rogue si Arkray sa loob ng kotse ni Mikaela.

"Kayo muna ang bahala sa kanya," sabi ni Rogue. Tumango naman ang tatlo bilang tugon.

"Rest," wika pa nito at muling hinalikan sa noo ang walang malay na si Arkray. Tapos ay bumalik na ito para tapusin ang laban.

Nang makaalis si Rogue ay agad namang ginamot ni Myles ang sugat ni Arkray ganun din ang mga galos nila.

***

"Hwag na kayong makialam. Kami na ang bahala sa kanila. Asikasuhin nyo na lang 'yung iba. Dalhin niyo sa hospital kung kinakailangan dahil baka may naghihingalo na sa mga 'yan," utos ni Oliver sa mga natitirang underlings nila.

Tumalima naman agad ang mga ito.

"Shall we start?" Summer said smirking.

Then nag-umpisa na silang umatake sa isa't isa. Balewala sa kanila ang mga sugat na natamo nila kanina.

Hugo vs Oliver

"Hmm...Improving ka ha Oliver. Nakakasabay ka na ngayon sa akin," sabi rito ni Hugo.

"Tumahimik ka, baliw!" sabi naman dito ni Oliver habang patuloy nitong inaatake si Hugo.

Magkasunod na suntok at sipa ang tumama kay Hugo. Napaluhod ito habang nakahawak sa sikmura.

"Sh*t!" Hugo.

Bago pa man muling makaatake si Oliver ay nagawa na itong patirin ni Hugo. Tapos ay sunod-sunod na malalakas na suntok ang ibinigay niya rito hanggang sa bumagsak ito.

"Whew! Kapagod!" sabi ni Hugo kasabay nang pagtumba nito.

Samantala...

Rogue vs Aaron

Kalmadong iniiwasan ni Rogue ang mga ginagawang pag-atake ni Aaron gamit ang katana nito. Halata namang naiinis na si Aaron dahil hindi niya matamaan si Rogue ni madaplisan man lang. Napakabilis kasi nitong kumilos.

"You suck!" wika ni Rogue.

Lalong nainis si Aaron sa sinabi ni Rogue kaya lalo nitong binilisan ang pag-atake.

"Ang yabang mo!!!" singhal Aaron.

Sa gitna ng mga pag-atake ni Aaron ay biglang huminto si Rogue. Napangisi naman si Aaron at ginamit itong oportunidad para talunin si Rogue na ngayo'y nakatayo lang at balak na salubungin ang susunod na atake ni Aaron.

Nanlaki ang mga mata ni Aaron nang magawang saluhin ni Rogue ang katana sa pamamagitan ng dalawang daliri nito.

Ang mga sumunod na nangyari ay naging napakabilis.

Sinipa ni Rogue si Aaron at naagaw ang katana mula rito.

Hindi na nagawa pang makabawi si Aaron dahil mabilis na itong inatake ni Rogue at binigyan ito ng mahaba at malalim na hiwa sa dibdib na hugis 'X'.

"Argh!" sigaw ni Aaron habang sapo ang nagdurugong sugat.

Sa kabila ng natamo ay pinilit pa rin nitong makatayo at inundayan ng suntok si Rogue. Pero bago pa man tumama ang suntok nito ay nawalan na ito ng balanse at tuluyang bumagsak ng walang malay.

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon