Chapter 45.1: The Final Battle!

288K 5.9K 4.7K
                                    

Enjoy! :-p

Sensya po kung may mali sa grammar, spelling, etc, di pa to masyadong edited. Thanks!


Third Person's POV

"Nasaan si Alexei?!" mariin at gigil na wika ni Rogue habang sakal ang duguang si Marcus, ang assistant ni Alexei. Kanina pa niya ito pinapaamin pero sadyang matigas ito. Kahit lamog na ang katawan nito sa inabot na bugbog kay Rogue ay hindi pa rin nito sinasabi kung nasaan ang kinaroroonan ni Alexei.

"H-Hindi k-ko alam---!" hirap na sagot nito. Halos hindi na nito maibuka ang bibig.

"T*ng*n*!" Muli itong inundayan ni Rogue ng suntok.

Pagkatapos ay malakas na iniumpog ni Rogue ang mukha ni Marcus sa marmol na sahig na ikinabali ng ilong nito at halos ikabasag ng bungo dahil sa lakas ng pagkakatama.

"K-Ka-hit p-patayin m-mo k-ko---"

"Talagang papatayin kita at isusunod ko ang hayup mong amo!" galit na wika ni Rogue pagkatapos ay walang alinlangang binaril sa ulo si Marcus. Pumulandit ang dugo nito sa sahig.

"D*mn!"

Naihilamos ni Rogue ang palad sa mukha dahil sa pagkadismaya. Sinugod nila ang mansyon ng mga Velcan pero mukhang nakatunog na ang mga ito kaya pagkarating nila ay wala silang nadatnan kundi ang mga walang kwentang tauhan ng mga ito. Wala silang nakita ni anino ni Alexei o kahit na anumang makakapagturo kung nasaan ito.

"The filth isn't here nor her b*tch mother," madilim ang mukhang wika ni Grae pagkarating galing sa ibang bahaging mansyon. Tumutulo pa sa punyal nito ang sariwang dugo mula sa mga napatay nito. "Mukhang inasahan na nila ang pagsugod natin ngayon," sabi pa nito.

Saglit itong napatingin sa walang buhay na si Marcus pagkatapos ay muling ibinaling ang tingin kay Rogue.

"Wala siyang sinabi tungkol sa kinaroroonan ni Alexei," wika ni Rogue na nakuha ang ibig sabihin ng tingin ni Grae.

"As expected. That dog is very loyal to Alexei," malamig na wika nito.

"Tss!" Rogue.

"Ano na ang plano natin?"

"Sisiguraduhin nating walang matitirang buhay dito! At hindi tayo aalis hangga't hindi naaabo ang buong mansyon ng mga Velcan!"

***


"Bakit wala si Blood? Mukhang excited pa naman 'yong sumugod kina Alexei," tanong ni Grae pagbalik nila ng Gloucester.

"She's exhausted and really need to rest."

"Oh! But knowing Blood, hindi niya 'to ipagpapaliban para lang magpahinga. Alam kong kating-kati na ang kamay nitong patayin si Alexei."

"Kaya nga. She's stressing herself too much that's why I put her to sleep. Pinatulog ko sya bago pa man tayo umalis kanina."

Nanlaki ang mga mata ni Grae sa sinabi ni Rogue at napamura.

"T*ng*na seryoso ka?!"

Tumango si Rogue. "Nagawa kong lagyan ng pampatulog ang pagkaing hinatid sa kanya kanina."

"P*tcha! Rogue anong ginawa mo?! Lagot ka kay Blood!"

Nagkibit-balikat lang ito. "As long na hindi niya 'ko papatayin ayos lang. Sanay naman na ako sa mga sapak at sipa niya."

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon