Chapter 35: Darkness Falls

396K 9.3K 6.6K
                                    

To all the readers... Gomenasai!!!! (/_\)

Alam niyo na po kung para saan po 'yan. ^_^v

After decades eto na po 'yung NWTD 35!

Enjoy reading!

Chapter 35: Darkness Falls

Rogue's POV

"Shut the f*ck up!!!" inis kong singhal kay Rage. Kanina pa 'ko iritang-irita sa panenermon nito sa 'kin.

He's like a nagger in front of me right now. Galit na galit ito nang malamang sinampal ko si Emlir at makita ang maliit na pasa sa gilid ng labi nito.

Tss! Hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Makakausap ko na sana si Arkray nung auction pero bigla siyang pumasok sa eksena. Tss!

Nawala ang isang malaking oportunidad na muli kong makita at makausap si Arkray o si Vincent o si Blood o kung sinuman siya ngayon. Nawala ng dahil sa babaeng 'yun!

"You shut up!" balik na singhal nito sa akin. "Rogue, hindi mo dapat ginawa 'yun! Napakababaw ng dahilan mo! She just saved you from Vin---"

" That's bullshit! Why should she save me from Vincent?! Vincent is still my Arkray. She won't do any to harm me!!!" sigaw ko rito.

"She's different now Rogue! She's now the Mafia Empress! She can be your enemy and anyone that surrounds her can be your enemy! Don't take any risk! The Vezallius Lair can be your graveyard!" ganting wika nito na nagpipigil ng galit.

"I'll do what I have to do. No one can stop me!" mariin at pinal kong wika. Pagkatapos ay nilayasan ko na ito. Ayoko nang humaba pa ang isang walang kwentang usapan.

***

London...

I've decided na bumukod na kay Rage at kay Emlir. They don't give any help. Kabaligtaran ang ginagawa nila.

Tss!

Inilibot ko ang tingin ko sa apartment . It's simple but enough to bring peace in my life.

Mas payapa pa ang buhay ko rito. Also, this is just a few miles away from the Vezalliuses.

...

Matapos kong ayusin ang iilan kong mga gamit ay agad kong inilabas ang laptop. Mabuti na lang at nakakuha ako ng ilang mga impormasyon kay Emlir patungkol sa underground society kaya hindi ako masyadong mahihirapan.

I entered the link of the website of the mafia society. With this malalalaman ko ang mga activities, current events, news and etc ng underground society kung saan involve si Arkray.

Napamura ako nang malamang kailangan ko pang magregister at ang mas malala ay magbayad ng fee worth 100 million dollars! B*llsh*t!

How come Emlir has an account on this website?!!!

Tss!

Agad kong chineck ang total balance ng lahat ng accounts ko and...

...

Good!

I got 180 million dollars... So ito pala ang naipon ko sa lahat ng mga pinatay ko.

Tss! Hindi ako nagdalawang-isip na magsign-up. Money is not an issue to me. Kaya ko pang kitain 'yan. What is the most important to me right now is to be with the woman I love...

***

Vezallius Mansion...

Third Person's POV

Abala ang mga Vezallius lalo na si Aravella sa paghahanda para sa gaganaping pagtitipon bukas ng gabi.

Pagkatapos mandohan ang mga katulong sa mga gagawin ay tinungo nito ang terasa kung saan naroon si Vincent.

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon