Chapter 41

284K 5.9K 5.1K
                                    

Hello! This is dedicated to Jeimebell (Erish_Sshi)!

Her fave line, "I'm not heartless, I just learned how to use my heart less." – VAV

Tas natuwa kasi ako sa comment niya from my post sa NWTD group, parang ang intense kasi at hyper na hyper siya habang tinatype yung comment. Hehe.

Though I still love the other comments! Really appreciate it! :-*

Special mention din sa mga naggagandahang Admins ng group! Azenith, Marjorie, Quena, Kimmerain, Jessica, Rutchill, Roann and Cyrine!Thank you sa mga efforts at time niyo! Love you all mga Dyosa! :-) :-*

Anyway, here's Chapter 41! Enjoy!

Chapter 41:

Grae's POV

Nag-unat-unat ako, sumuntok-suntok at sumipa-sipa sa ere...

Okay na 'ko! Hindi na sumasakit ang mga sugat na natamo ko sa laban namin ni Emlir! Pwede na uli akong makipagbakbakan! Haha! (*u*)v

Nag-ayos ako at lumabas ng kwarto. Ilang araw din akong nakulong dito. Tss.

Habang naglalakad sa hallway ng mansyon ay napansin kong parang may kakaiba sa atmosphere nito. Parang seryoso na sobrang tahimik na ewan.

Anyway, nagpasya akong dumiretso ng kitchen dahil nagugutom na ako pero pagkababa ko ng hagdan ay nakita ko si Kuya Arkand kausap ang isang maid.

Napatigil ako at narinig ko ang usapan nila.

"Hindi pa rin kumakain si Vincent?!" medyo inis na sabi ni Kuya Arkand.

"Opo Sir. Ngayong araw ay wala pa po mula pa kaninang umaga. Kahapon ay konti lang po ang nabawas sa pagkain na hinatid namin sa kanya."

Anong na naman kayang nangyari sa babaeng 'yun? Pero parang nangyari na 'to dati.

Alam ko naging ganito rin si Blood noon, yung nagkukulong sa kwarto at hindi nagkakakain. 'Yun ay nung mamatay 'yung Lolo nila pati si Ate Artemis.

"Tss. That brat! Hatiran niyo na lang uli siya!"

"Pero Sir..."

"Bakit?"

"Sir eh kasi natatakot na po kami. Nagbanta na po kasi si Ma'am na papatayin niya raw po kung sino ang pumasok uli sa kwarto niya," medyo nanginginig pang sagot nung maid.

Sakto namang nagawi sa direksyon ko ang tingin ni Kuya Arkand.

"Oh Grae, nandyan ka pala. Tamang-tama, ikaw na lang ang pumunta kay Vincent," sabi ni Kuya Arkand.

"Luh! Ba't ako?! Anong kinalaman ko dun?" angal ko. Mapatay pa ako ni Blood eh! (>.<)

"Grae, do it," seryosong sabi ni Kuya Arkand.

Napalunok ako.

Sh*t naman! Kapag minamalas ka naman oh!

"S-Sige Kuya," sagot ko. Kung hindi ko ito susundin, baka ako naman ang mapatay nito. Tss!

"Thank you po Ms. Grae!" tuwang-tuwa ang hitad este ang maid.

Psh!

"Good. Ikaw na muna ang bahala. Tawagan mo na lang ako kung may problema. Pupuntahan ko lang muna sa ospital si Aravella."

Nagulat ako sa sinabi nito.

"Anong nangyari kay Ate Aravella?" tanong ko.

Mukhang may nangyari ngang hindi maganda. Una nagkakaganito si Blood tas ngayon nasa ospital pala si Ate Aravella. Si Ate Aya kaya?

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon