Chapter 39: Point of No Return

372K 7.3K 4.4K
                                    

Hi! Sa mga nagtatanong kung buhay pa daw ba ako, OPO! Buhay na buhay pa po ako! Sumisipa pa naman. Tahimik nga lang na gumagawa ng UD at binabasa ang mga messages at comments niyo. :-)

:-p

Anyway, after two months and twelve days, natapos ko rin ang NWTD 39.

Here it is! Enjoy reading!!! :-D



NWTD 39: Point of No Return


Aravella's POV

Hindi na ako mapakali habang nakaupo sa sofa sa sala. Naiirita na ako dahil kanina pa 'ko naghihintay sa magaling kong kapatid! Nakaayos na ako't lahat-lahat pero hindi pa rin ito bumabangon!

We're gonna be late at the board meeting!

Ayokong mahuli kahit pa sabihing kami ang pinaka-boss doon!

Ugh! Vincent!!!

Sinubukan kong tawagan ito pero hindi ito sumasagot. Malamang tulog pa ito!

Tss!

"You!" inis kong tawag sa bodyguard na pinakamalapit sa akin.

"Yes Ma'am?"

"Umakyat ka sa kwarto ni Vincent at gisingin siya," utos ko. "Sabihin mong bilisan niya at kanina pa ako naghihintay dito!"

Hindi nakaligtas sa akin nang bigla itong mamutla. Sino ba naman ang hindi kakabahan? Ilang tauhan na kaya namin ang napatay nito dahil lang sa ginising ito. Buwis-buhay kung gigisingin si Vincent. Tss!

"P-Pero po---"

"Now go!!" singhal ko rito. Wala na rin itong nagawa at sinunod ako.

Sometimes we need a life to sacrifice...

...

Hindi nga nagtagal ay nakarinig ako ng putok ng baril.

*Bang!

Now she's awake...

Tumayo ako at tinungo ang kwarto nito.



Vincent's POV

Nagising ako sa ilang pagkatok sa pinto at hindi ko iyon nagustuhan. Tss!

Nanatili akong nakapikit at nakatalikod sa pinto.

"Get out!" sabi ko nang may maramdaman akong pumasok.

"A-Ahm, M-Ma'am—h-hinihintay na po kayo ni Ma'am Aravella sa baba---"

Tss!

Kinapa ko ang baril sa ilalim ng unan ko saka binaril ito nang hindi ito nililingon.

*Bang!

Hindi ko na inalam pa kung napatay ko ito o hindi. Wala naman akong pakialam.

Muli akong nagtalukbong at pilit na bumalik sa pagtulog.

Masama ang pakiramdam ko kaya wala akong balak na bumangon.

(=_=)

...

"Vincent!!! Get up!!! Male-late na tayo sa meeting!!!" Ngayon ko naalala ang board meeting ng corporation.

Tss! Kelan ba ako bibigyan ng katahimikan ng mga 'to!

"I'm not goin' Aravella!" inis kong sabi dito.

Besides, ang alam ko ay Mafia lang ang hawak ko. Hindi na ako involve sa legal businesses ng Vezallius. Si Aravella, Arkand at Aranea na ang magkakahati sa paghawak nito.

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon