Chapter 45.2: To the Hell and Back!

247K 6.2K 6.5K
                                    

Sensya naman sa delay! Napasarap lang ng gala sa Batangas! Haha! XD 

Short update! Enjoy! :-)

 

Chapter 45.2: To the Hell and Back!


Grae's POV

Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha nang malaman ko ang kalagayan ng Gloucester nang tawagan ako ni Kuya Silver.

F*ckin' hell!!!

Lalo pang nadagdagan ang pamumrublema ko nang marinig ko ang malakas na pagsabog. Napalabas ako ng 'di oras at gamit ang binoculars ay nakita kong natutupok na ang Ramses at sa 'di kalayuan ay nilalamon din ng apoy ang isang lighthouse! Bigla akong kinutuban ng masama! Tss!

D*mn it! Natutupok na ang Ramses pero ni isa kina Blood ay wala pang nakakabalik!

P*t*ng*na!

Sa inis ko ay nawala sa isip kong may tinanim pala akong mga mini bombs kaya 'di ko naiwasan na matapakan ang mga 'yon pagbalik ko.

T*ngna talaga! =_=

Mura ako ng mura habang umiiwas sa mga mahihinang pagsabog. Tch!

"Wifeyyy!" humahangos na sigaw ni Hugo na akala mo ay sasabak sa giyera.

Nakita kong matatapakan nito ang isang bomba kaya sinigawan ko ito at pinigilan pero ang gag* 'di nakinig. =_=

"P*tcha!!!"

Oh loko! Tch!

.

.

.

'Di nagtagal ay nakita ko ang ilang motorboats na paparating. Sakay nito ang ilang mga nakaligtas na tauhan ni Blood kasama sina Brix at Liam na lubhang sugatan.

"Nasaan sina Blood at Rogue? Si Ate Aravella?" sunod-sunod kong tanong.

"Hindi na namin alam sa ngayon, basta naiwan pa sila Blood at Rogue para harapin si Cleopatra," sagot ni Brix.

"At si Ate Aravella?"

Iniiwas nito ang mga tingin. Si Liam ay napatakip ng bibig.

Dun ko lang napansin ang isang tauhan ni Blood na buhat si Ate Aravella.

Inilapag niya ito at nakita ko ang kalunos-lunos na kalagayan nito na ikinapanghina ko.

"We're sorry..." wika ni Brix.

Then ikinuwento nito sa akin kung paano napatay si Ate Aravella.

T*ng*na talaga 'yang hayup na Cleopatrang 'yan! Kahit si Blood ay walang nagawa sa p*nyet*ng babaeng 'yun! I wonder kung anong nangyari sa laban nila.

Tch!

Pinigil kong hwag maiyak. Kailangan kong magpakatatag dahil walang mangyayari kung magdadrama ako rito! Sinabihan ko ang tauhan na dalhin si Ate Aravella sa loob. Pinasama ko na rin sina Liam at Brix para mabigyan ng first aid ni Myles.

Uutusan ko na sana ang mga natitirang tauhan ni Blood na bumalik at suyurin ang paligid ng Ramses pero hindi na pala kailangan. Kasunod na pala nila ang hinahanap ko.

Kasama ng ilang mga tauhan nito ay nakita ko si Rogue na buhat-buhat si Blood na mukhang masama ang lagay.

Sh*t si Blood!

**


Rogue's POV

Pagkadaong ay agad ngunit maingat kong nilapag si Arkray at inalam ang lagay nito.

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon