Chapter 43: Mafia War: Love and Betrayal

359K 7.2K 9.7K
                                    

Here's the 27k-word chapter! Sana sapat na 'yang pambawi sa tagal ng update ko.

^____^

Enjoy reading!

Chapter 43: Mafia War: Love and Betrayal

Vincent's POV

Sa hangin tumama ang dalawang katana nang iwasiwas ko 'yun.

Tch.

Pinakiramdaman ko ang paligid habang pinagkrus ko ang mga katana.

Nakarinig ako ng kaluskos sa bandang kaliwa at mabilis na iwinasiwas ang katana sa direksyon na 'yun pero hangin pa rin ang tinamaan ng katana ko.

Tch!

Tinalasan ko pa ang pakiramdam ko at nagfocus...

.

.

Sa kada segundong lumilipas ay nararamdaman ko na ang presensiya nito.

Hindi ko na hinintay na umatake ito sa halip ay ako na mismo ang sumugod.

I smirked when I heard the clash of our swords.

*Klank!

Hindi ko na ito pinakawalan pa at sinunod-sunod ang pag-atake rito. Hindi naman ito nagpatalo hanggang sa nagpalitan na kami ng atake at pagdipensa.

Sinundan ko ng sipa ang pagwasiwas ko ng katana at narinig ang pag-igik nito.

Tinutok ko ang katana rito, "You lose."

"Not yet!"

Halos mabitawan ko ang katana sa kaliwang kamay ko dahil sa lakas ng atake nito pagkatapos ay naramdaman ko na lang ang tuhod nito sa sikmura ko.

"Ugh!"

"I can't hit that beautiful face of yours so I'm just gonna target your body."

Agad akong nakabawi at inatake ito pero sa hangin lang uli tumama ang atakeng 'yun. Naramdaman ko ang presensiya nito sa likuran ko at agad na nasangga ang atake nito. Muli kaming nagpalitan ng atake hanggang sa na-corner ko ito.

Hindi ko man ito nakikita ay alam kong nasa pagitan ng mga katana ko ang ulo nito.

"Make a move and you'll lose your head," I said grinning.

"Fine, you win this time, Vin," Alexei surrendered.

Nalaman kong magkalapit ang mga mukha namin dahil nararamdaman ko ang paghinga nito.

Tinanggal ko ang pagkakatutok ng mga katana sa leeg nito at dumistansya rito.

"Kahit wala kang paningin ay mahirap ka pa ring talunin, ano pa kaya kung nakakakita ka na uli? Wala na sigurong makakatalo sa 'yo."

Humigpit ang hawak ko sa katana.

"I'll be invincible then," sabi ko.

At hindi na ako magagawang talunin ni Cleopatra!

"Yeah. So let's call it a day. Bukas naman uli."

For the past weeks, wala akong ginawa kundi i-adjust ang sarili ko sa kalagayan ko ngayon. I'm training everyday and do things to overcome this blindness while patiently waiting for Clahadol to find a cure.

The twins suggested to me to just have an eye transplant but I refused. These blood eyes are my pride, the Vezallius pride so there's no way that I'll replace these!

Blind or not, Vincent will still be Vincent, a mafia empress will still be a mafia empress...

A demon will still be a demon...

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon