NWTD Special Chapter 3 - Part 1

147K 3.7K 1.8K
                                    

At dahil love ko kayo, eto ang NWTD Special Chapter 3, as requested!

Enjoy! :-D

"The Victorian Drive"

Third Person's POV

"Hey, Boss, still awake?" wika ni Rogue pagpasok niya sa kwarto nila ni Vincent. Umupo siya sa gilid kama at marahang hinaplos ang buhok ng asawa na nakatalikod sa kaniya kaya hindi niya matukoy kung gising pa ito o nahihimbing na.

Napatingin siya sa relo at nakitang pasado hatinggabi na. "Sorry, kung ngayon lang ako nakauwi. Medyo napasarap ang inuman namin ni Arkand. Well I know you don't like attending parties but you should've come, kasama rin pala si Reagan at Aranea," sabi pa niya at hinubad ang coat.

"Boss? I know you're awake," ani Rogue na patuloy pa ring nagmonologue. Napangiti siya at bahagyang napailing lalo't narinig niya ang mahinang pag-'tch' ni Vincent. Nakatalikod pa rin ito sa kaniya at hindi siya pinapansin.

Pagkatapos mahubad ang sapatos ay sumampa si Rogue sa kama at hinalikan ang balikat ni Vincent pero hindi pa rin siya nito pinansin. Hinawi niya ang buhok nito at sinimulang dampian ng halik sa leeg. Ang kamay niya'y idinantay niya tiyan nito at marahang humaplos do'n.

"Boss...hmmm..."

"Tch! Will you please bloody stop!" angil ni Vincent na sa wakas ay humarap na rin kay Rogue.

Ngumiti lamang si Rogue at akmang hahalikan si Vincent pero hinarang nito ang kamay sa mukha ni Rogue at tinulak ito palayo.

"I said stop! You're drunk and you smell like shit!"

"W-What— I'm not— drunk." Mataas ang tolerance ni Rogue sa alak at halos walang epekto sa kaniya kahit lumaklak pa siya ng ilang bote ng alak.

Pagkatapos ay wala sa loob na inamoy ni Rogue ang sarili. Amoy pa rin niya ang pabangong gamit. Sunod niyang chineck ang hininga saka napatingin kay Vincent na salubong ang kilay. "I-It's just...brandy."

"Whatever! You still smell like shit!" Hinila ni Vincent ang comforter at muling tinalikuran si Rogue. "Do'n ka sa kabilang kuwarto. Huwag na huwag kang tatabi sa akin hangga't ganyan ang amoy mo kundi tatamaan ka sa akin! Tss!"

Walang nagawa si Rogue kundi mapakamot na lang sa ulo at magmartsa papuntang banyo. Pagkatapos ng kalahating oras ay lumabas ito na nakatapis lang ng tuwalya.

"Boss? I already smell fresh," bulong ni Rogue kay Vincent at niyakap ito habang dinadampian ng halik ang leeg at tainga nito. "I love you, Boss."

"Tch. Let me sleep, Rogue. I'm not in the mood."

"Again? Boss naman, you always keep on saying that for about what— three weeks and four days already?"

Marahas na napabuga ng hangin si Rogue nang hindi umimik si Vincent. "I knew it. You're still mad, aren't you? Nagtatampo ka pa rin. Look, Ark, I am really sorry about what happened on our date last—"

Marahas na bumangon si Vincent at nagmartsa papunta sa pinto.

"Where are you goin'?

"Next room. I need to sleep," sagot nito at pabalibag na isinara ang pinto.

"Psh! Great!" ani Rogue at ibinagsak ang katawan sa kama.

***

Vincent's POV

Hindi ko na nadatnan si Rogue paggising ko. Basta nakita ko na lang ang isang basket ng mansanas at note sa side table ng kuwarto kung saan ako natulog. Maaga itong umalis dahil may lakad ito kasama si Arkand at sa isang araw pa ang balik. Pumunta ang mga ito sa France para imbestigahan ang anomalyang nangyari sa isang malaking shipment ng weapons doon ng mafia. Wala na ang mga Velcan na may hawak ng shipping lines na humahawak noon sa mga transaction or shipments ng mafia kaya si Rogue na ang nagtayo at humawak ng business na 'yon.

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon