Chapter 32: Bloody Arkray!

389K 8.9K 4.1K
                                    

Salamat sa inyong walang sawang paghihintay! Mwah! ^*^

Many thanks sa mga patuloy na sumusoporta ng NWTD kahit sobrang tagal ng UD! Hehe.

Anyway, gusto ko lang batiin si 'Panget'. Alam mo na kung sino ka.  Hi kung nabasa mo na 'to. Hihi! XD

Here's NWTD 32! Enjoy!

Chapter 32: Bloody Arkray!

Third Person's POV

11:00 P.M.

Hanggang ngayon hindi pa rin nagigising si Arkray kahit maayos na ang lagay nito at ligtas na sa panganib. Ayon kay Dr. Esquivel ay normal lang ito lalo pa't dalawang lason ang natanggap ng katawan nito.

Hindi na rin nila ipinaalam kina Eliza at Aranea ang nangyari kay Arkray ayon na rin kay Grae. Ipinagpaalam na lang nila na nag-overnight ang grupo kina Mikaela.

"Bakla tara! Samahan mo kong lumabas, bili tayo ng makakain," wika ni Mikaela kay Stefi.

"Ayoko Mikabels tinatamad ako eh," angal nito. "Si Myles na lang isama mo."

"Stefano!" Mika.

"Ayaw talaga. It's either you go alone o isama mo si Myles," wika pa ni Stefi. Isa pa sa mga dahilan nito kung bakit ayaw nitong sumama at inirereto si Myles ay upang paglapitin ang dalawa.

"Urggh!" Mikaela. "O siya Myles! Tara!" inis na sabi ni Mikaela na napapayag din.

Pagkaalis ng dalawa ay naiwan si Stefi at Hugo para bantayan si Arkray.

"Sana okay lang si Wifey..." anas ni Hugo. Inaalala nito ang nalalapit na sagupaan ng Trium at BT. Gusto sana nitong pumunta pero pinagbawalan ito ni Grae kaya narito ito sa ospital at nagbabantay kay Arkray.

Kung ano na lang ang pinaggagawa ng mga ito para libangin ang sarili. Naritong kalikutin ni Stefi ang mga kuko nang magsawang magpipindot sa Iphone nito. Si Hugo nama'y nakaharap sa laptop at naglalaro ng Dota.

...

Natigil ang dalawa nang pumasok si Dr. Esquivel para kumustahin si Arkray.

"How's Ark?" pangungumusta nito kay Arkray.

"Same," tipid na sagot ni Hugo.

Lumapit ang doktor sa natutulog na si Arkray at chineck ang kalagayan nito. Ang dalawa ay nakamasid lang sa ginagawa ng doktor.

"Oy ano 'yan?!" tanong ni Hugo nang makitang may inilabas na syringe ang doktor.

"To stabilize her," sagot ni Dr. Esquivel.

"Ang alam namin ay maayos na siya at hinihintay na lang ang paggising niya. Ngayon, ano pa ang ituturok mo sa kanya?" sabi ni Hugo. Tulad ng iba ay wala rin itong tiwala sa doktor.

"Trust me boy. I'm the doctor here so I know what I'm doing and what's good for her," Dr. Esquivel.

Nang ituturok na sana ng doktor ang syringe ay biglang tumayo si Hugo at hinablot ang syringe. Sinipat nito 'yun at bahagyang inamoy-amoy.

"T*ng ina! Drugs 'to ah!" galit na sabi ni Hugo. Sa galit nito ay binasag nito ang syringe saka sinapak ang doktor.

Napatili at napatayo naman si Stefi sa ginawa ni Hugo. "Hugo! Ano ba 'yan?"

"Hay*p ka! Balak mo pang i-drugs si Arkray!" galit na galit na sigaw ni Hugo.

Muli pa sana nitong susugurin ang doktor ngunit nakuha agad ng doktor ang baril na nakasukbit sa bewang nito at naitutok kay Hugo.

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon