Chapter 22: Parallel Hearts

370K 8.9K 3.7K
                                    

Chapter 22: Parallel Hearts

 

Arkray’s POV

Hindi ko napigil tumili at yumakap ng mahigpit sa likuran ni Rogue habang angkas sa motorbike nito. Pinaangat kasi nito ang harapan ng motorbike habang mabilis na itong pinapatakbo.

Sa una ay kinabahan ako pero nang maalala kong ang pinakamamahal ko pa lang pirata ang kasama ko, nawala agad ang kaba at anumang pangambang nararamdaman ko. Instead, na-enjoy ko pa ang ginawa nito.

Anyway, hindi ko alam kung saan kami pupunta o kung saan niya ako dadalhin. Hindi nito sinabi, basta na lang ako nitong pinasakay sa motorbike nito after classes. Ako nama’y hindi na nagtanong pa.

Place and time don’t matter as long as I’m with him and we’re together...

Nanatili akong nakayakap at nakahilig sa likuran ni Rogue kahit maayos na ang pagpapatakbo nito.

Ilang linggo na rin ang nakalipas mula noong bumalik ako from Thailand at noong moment namin sa classroom.

Well, mula nun, Rogue and I have been extra close. Puna pa nga ni Mikaela na kung kumilos at tratuhin namin ang isa’t isa ay parang kami na. Well I guess that’s a fact though we’re not yet official.

“Hey Pirate, sa’n ba talaga tayo pupunta?” muling tanong ko. Kanina pa kasi kami bumibiyahe at tingin ko’y malayo na kami sa kabihasnan. Puro puno at kakahuyan na lang kasi ang nadaraanan namin.

“Malalaman mo rin. Malapit na tayo,” sagot nito.

At hindi nga nagtagal ay nakarating din kami.

(*O*)

Wow!

Dinala lang naman ako ni Rogue sa isang cliff kung saan tanaw ang lawak ng karagatan.

“Ang ganda naman ng view dito!” mangha kong sabi habang inililibot ang tingin ko sa lugar.

Lumapit pa ako sa gilid ng bangin at tumingin sa ibaba. Kita ko at dinig ang  lakas ng pagsalampak ng mga alon sa batuhan.

“Oh my God!” naibulalas ko at sabay na napaatras nang bumigay at nahulog ang ilang maliliit na tipak ng lupa na tinatapakan ko.

“Tss! Dito ka na lang kasi,” narinig kong sabi ni Rogue mula sa likuran ko.

Tapos ay hinapit nito ang bewang ko at hinila ako palayo sa gilid ng bangin.

(>///<)

Then nilatag nito ang jacket at doon ako pinaupo. Ito nama’y pumwesto sa likuran ko.

“Ba’t dyan? Dito ka oh,” sabi ko at iti-nap ang espasyo sa tabi ko.

“Nah,” sagot lang nito at yumakap mula sa likuran ko. Ako nama’y napahilig sa kanya.

“Much better, right?” he whispers.

Nagtayuan ang balahibo ko sa batok nang tumama ang hininga nito sa leeg ko.

“Hmm, yeah. And more comfortable,” nasabi ko na lang.

Inayos ko ang sarili ko sa pagkakasandal sa kanya.

.

.

.

“Rogue...” mahinang tawag ko rito.

“Hmm?”

Kinuha ko ang mga kamay niyang nakayakap sa akin at ipinagsalikop ko sa mga kamay ko.

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon