Chapter 28: The Secret Behind the Eye Patch

364K 8.7K 3.4K
                                    

Chapter 28: The Secret Behind the Eye Patch

 

Alexei’s POV

Sh*t! Sh*t! Sh*t!

What happened to Vincent and who’s that guy?! Dammit!

"Ugh!” daing ko nang madiinan ni Marcus ang sugat ko. Ginagamot nito ang tama ng baril na natamo ko sa lalaking may eye patch na ‘yun.

“Sorry Master,” hinging paumanhin nito.

“Later, pumunta ka sa GL at mangalap ka ng impormasyon tungkol sa nangyari doon nung Sabado. I want to know who are those fakers! And especially, Vincent! Alamin mo kung ano ang nangyari sa kanya!”

“But Master hindi kaya kamukha lang---”

“No! I’m sure she’s Vincent! Get it?!”

Napatungo na lamang ito at itinuloy ang panggagamot. “Yes, Master!”

D*mn!

Hindi ako aalis ng Pilipinas hangga’t hindi ko naisasama si Vincent pabalik ng Europa!

***

Arkray’s POV

Alas otso na ng umaga at alas otso y medya ang klase ko pero hindi pa rin ako bumabangon. Wala akong ganang pumasok. Pakiramdam ko pa’y said ang enerhiya sa katawan ko.

Mukhang hindi pa talaga ako nakaka-recover sa mga nangyari nitong nagdaang linggo at ang buong linggo ay hindi sapat para makapagpahinga at makabawi ang buong katawan at isipan ko.

Nakarinig ako ng mga pagkatok sa pintuan ng kwarto ko ngunit hindi ko ito pinansin. Malamang ay si Grae na naman ‘yun na kanina pa nangungulit. Panay ang katok at pagtawag nito sa akin sa intercom. Hindi naman ito makapasok dahil ini-lock ko ang pinto. Tss! Sasabay siguro ‘to sa pagpasok.

Ayoko munang maistorbo. I just want to be alone right now.

Sige pa rin ang pagkatok pero nanatili pa rin akong nakahiga at nakatitig sa kisame.

Narinig ko ng mahinang click.

Nabuksan ang pinto at nakita kong si Mommy ang pumasok. Ginamit nito ang master’s key. At base sa ayos nito, kararating lang nito galing sa business trip sa Hawaii.

Umupo si Mommy sa gilid ng kama. “Baby, what’s wrong?” Kababakasan ng pag-aalala ang mukha at tono ng pananalita nito. “Nadatnan ko pa si Grae kanina bago siya umalis. Sinabi niyang hindi ka pa raw bumabangon. Are you sick? Hmm? Baby?” sinalat-salat pa nito ang noo at leeg ko.

Umiling lamang ako bilang sagot. Tapos ay marahan akong kumilos at umunan sa lap ni Mommy.

“Ang baby ko naglalambing. I’m sorry if I’m always away. Don’t worry I’ll make it up with you the times that I’m away,” wika nito habang marahang hinahaplos ang buhok ko.

Napangiti na lamang ako. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

“But anyway, what’s the matter baby? Aren’t you going to school?”

“No,” tipid kong sagot.

“Why? Is there a problem baby? Mind if you tell Mom?”

Hindi ako sumagot.

“May problema ba kayo ni Rogue?” muli pang tanong nito.

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko nang marinig ko ang pangalang binanggit ni Mommy.

Rogue... I’m sorry...

“Baby?” untag sa akin ni Mommy.

“W-Wala Mom. Things are going smoothly between us,” pagsisinungaling ko. Muntik na akong pumiyok nang sabihin ko ito. Mas lalong tumindi ang kirot na nararamdaman ko na parang gusto ko nang umiyak at sabihin na lang kay Mommy ang mga nangyari.

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon