Chapter 1: The Girl Who Can't Remember Anything

631K 13.5K 2.4K
                                    

Chapter 1: The Girl Who Can't Remember Anything

"Young Ladies! Please come back! Oh no! They'll be escaping again!!!" mangiyak-ngiyak na sabi ng babaeng nakauniporme ng pangmaid habang hinahabol ang mga alaga nito na tumakbo papunta sa dulong bahagi ng hardin.

"Ate Aya! I-I'm already tired!" hinihingal na sabi ng isang limang taong gulang na batang babae sa kapatid nito na mas matanda sa kanya ng anim na taon.

"Tss! Faster Vinci! Keep moving or else we'll be caught by Nanny Merlin!" Hinila na nito ang kapatid at tinakbo ang daan papunta sa ginawa nilang secret passage sa may hardin. Dito sila dumadaan kapag tumatakas sila para maglaro sa may sapa sa may gubat na nasa likod lang ng kanilang mansyon.

Ngunit hindi pa sila masyadong nakakalayo ay napatigil sila dahil may biglang tumusok na espada sa harapan nila.

"Escaping again huh?!" sabi ng isang boses na nanggagaling sa itaas ng puno. Pagtingala nila ay nakita nila ang kanilang panganay na kapatid na babae na nakaupo sa isang sanga. Tapos ay parang balewala itong tumalon pababa mula sa itaas ng puno. Kinuha nito ang espada na nakatusok sa lupa.

Napalunok at bahagyang napaatras ang dalawang bata.

"A-Ate A-Artemis!" medyo nanginginig na sabi ng dalawang batang babae. Nasa harapan kasi nila ang pinakakinatatakutan nilang Ate sa kanilang limang magkakapatid. Labing anim na taong gulang na ito.

"Both of you! Go back to the mansion! Now!!!" galit na singhal sa kanila ni Artemis na ikinapitlag nilang dalawa.

"I-I t-think w-we should go back, Ate Aya," halos pabulong na sabi ni Vinci sa nakatatandang kapatid. Medyo hinila pa nito ang kamay ng kapatid para makaalis na sila. Pero nananatili pa rin ito sa pagkakatayo. Ayaw magpatinag.

"But Ate Artemis! We only want to play! So please let us go!" lakas-loob na reklamo ni Aya sa Ate Artemis nito.

Naningkit ang mga mata ni Artemis at itinutok ang hawak nitong espada sa nakababatang kapatid. "Stop being stubborn, Aranea! Do you want Gramps to punish you again?!"

Hindi ito nakaimik.

"Tama na 'yan, Artemis."

Napalingon silang tatlo sa matandang babaeng may maamong mukha na papalapit sa kanila.

"Granny!" gulat na sabi ni Artemis. Agad nitong ibinaba ang espada at ibinalik sa sheath nito.

"At kayong dalawa..." Binalingan ng lola nila ang dalawang bata. "Halina kayo at bumalik na sa mansyon. Ikaw rin Artemis, iha," malumanay na sabi nito. Wala na silang nagawa kundi ang sumunod.

Sa mansyon...

"Gramps? Gran said you wanna talk to me?" tanong ng limang taong gulang na batang babae pagkapasok nito sa pribadong silid ng lolo nito.

"Oh yes! Come here, Princess!" nakangiting sabi ng lolo nito habang papalapit ang batang babae.

Katabi ng lolo nito ang ilan sa mga tauhan nito. Sa harapan naman ng mga ito ay isang lalaking duguan. Nakagapos ito at nakaluhod sa tapat nila.

"Do you see that traitor kneeling in front of us?" Tango lang ang isinagot ng batang babae sa tanong ng lolo nito. Tapos ay tiningnan nito ang traydor. Puno ng pasa ang mukha nito at bakas dito ang hirap at sakit na dinanas nito sa kamay ng mga tauhan ng lolo nito.

"M-M-Mas-ter! P-Please f-forgive m-me!" pagmamakaawa ng traydor. Bakas ang matinding hirap at takot sa mukha nito.

Naglabas ng baril ang tinawag nitong Master.

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon