UPF#65-PLANNED FINALE

451 8 0
                                    

LEVI POV

"I hope this time.. Di mo na ko iwan.."

I said while dancing her..

Eto lahat ng plano.. Ang ibalik kami kung saan kami nagsimula.. Kung saan talaga naging ugat ang pagmamahalan naming dalawa.

I look at her, kita ko kung paano mangilid ang luha sa mga mata niya.

Alam ko eto na ang simula ng panibagong kabanata ng buhay namin.

"Never expect in my life that I will be singing in front of many people just to say what i really feel for you.. " panimula ko.. "Lahat ng nakita mo sa loob ng ilang linggo, lahat yun palabas lang.. They are not true.. I still love you babe.. Hindi nawala ang pagmamahal ko sayo.. " unti-unting bumagsak ang mga luha sa mata niya..

Agad akong lumuhod sa harapan at kinuha ang itinatago kong box.

Kinuha ko ang mga kamay niya at saka muling tumingin sa mga mata niya.

"Ayoko ng mawala ka pa sa akin.. Hindi ko na alam ang gagawin ko pag nangyari yun..."

"Lezzi Marie Montefallon.. Will you spend the rest of your life with me and make new memories with our little angels?.. Please be my wife AGAIN..." Binuksan ko ang red velvet box na hawak ko at iniharap ko sa kanya. Its A silver with a lining of gold ring. May maliit na bato sa gitna na ikinadagdag sa pagkaelgante ng singsing.

Kahit kinakabahan ako sa pwede niyang isagot ay buong tapang akong nag-aantay. Kanina pa siya hindi nagsasalita at puro iyak lang ang ginagawa niya. Hindi ko tuloy alam kung nagustuhan niya ba to o hindi.

"Mommy!! Say yes.. Say yes.. " rinig kong sigaw ng mga anak namin.. Nakita kong tumingin siya sa mga ito at pinunasan ang luha sa mga mata.

"Wag mo ng patagalin yan Lezzi baka mabaliw na yan!!" Sigaw naman ni Jayson.

"Siraulo!" Sigaw ko pabalik..

Muli kong ibinalik ang tingin sa kanya at nakita ko na ang isang kamay niya na napatuptup sa bibig niya.

Napuno naman ng sigawan ang mga tao dito sa loob ng salitang 'say yes' na tila sinusuportahan ako..

Nakatitig lang ako sa kanya ng biglang umiling-iling siya.

Shit!

Sabihin niyong mali tong nakikita ko sa kanya.

"Why lezzi?.. Why?... Are.. Shit why?" Halos di ko alam ang sasabihin ko..

Tumayo ako at lumapit sa kanya pero umatras lang siya habang umiiling..

"Sorry kung nagsinungaling kami sayo.. Pero lezzi wag mo namang gawin sa akin to!. " halos nagmamakaawa na ko sa kanya.. Nagmamahal lang naman ako.. Pero bakit ganito parin ang nangyayari sa kin?.

Pinilit ko parin lumapit pero agad din akong napahinto ng bigla nalang siyang tumakbo at umalis sa harapan ko..

Bigla ay para akong isang apoy na binuhusan ng tubig, kandila na pinatay ay sindi..

Hindi mo na ba ako mahal?..

Tanong ko sa isip ko.. Di ko napigilan maluha sa nangyayari..

Agad naman nagsilapitan sa akin..

"Shit Levi sundan mo! Wag kang tumunganga diyan!!" Sigaw ni Venice.

Tama siya. Hindi ako dapat nagsasayang ng panahon.. Kung galit man siya haharapin. Kailangan kong malaman kung ano bang mali..

Kaya kahit nanghihina pa ko sa pangyayari ay buong lakas akong tumayo at tumakbo palabas.. Nagpalinga-linga ako sa labas nagbabakasakaling makita siya..

UnPlanned FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon