LEZZI POV
"mommy I miss my doll. I miss my room. Kailan po tayo uuwi? Kailan po ako lalabas ng hospital?" Ngumiti ako sa kanya. Isang linggo na kami dito. Pero wala paring progress. Inuuna kasing icure ang pneumonia niya bago mag chemo.
Sa isang linggo malaki ang ipinayat niya. Hindi siya gaanong nakakakain. Nung nakaraan dinadaing niya ang sakit ng mga katawan niya. Dumadami din ang mga pasa niya. Palagi siyang nagtatanong kung anong nangyayari sa kanya. Pero palagi ko lang sinasagot na 'its for your good health' ayokong nakikita siyang in pain. Kasi nasasaktan ako. Kung pwede nga lang ma mapunta na sa akin ang sakit niya bakit hindi diba? Nanay ako ayoko lang na nasasaktan yung anak ko kasi mas ako yung nahihirapan.
"mommy.."
"aa baby. Wala pa kasing sinasabi yung doktor na pwede na tayong mag go home. Not until wala na yung mga pasa mo. " nag pout lang siya.
Cute parin siya kahit medyo payat na.
"mommy si daddy?" Isa pa sa problema ko. Hindi ko masyadong nakakausap si Levi. Palitan kasi kami sa pagbabantay. Simula ng iwan niya ako sa labas ng kwarto ni Lovely nung araw na nalaman namin ang sakit ng bata hindi kami nag-iimikan. Naiintindihan ko naman siya. Parehas kami na hindi pa ma-absurd ang nangyayari. Kaya hinayaan ko muna siya. Alam ko naman na nandyan lang siya pag kailangan ko na. Nagiging busy rin kami sa trabaho. Siya may malaking investor sa company niya ako para sa fashion show na sasalihan ko. Pero ang main focus namin ay si lovely.
"mamaya dadating na yun. Ako naman ang magpapahinga ha. Mommy is tired eh. I have so many things to do in office. " paliwanag ko.
"I understand mommy. " tapos ay ngumiti siya. "mommy I'm sleepy na. Can I sleep now?"
"of course you can.. " tinulungan ko siyang ihiga. Iniingatan ko na wag siyang masaktan. Nang makahiga na siya ay iniaayos ko ang kumot.
"mommy can you sing a song for me?"
"of course baby. . " kahit alam kong di maganda ang boses ko ay pipilitin ko. Mapasaya ko lang ang anak ko at saka kung magpapagaan ba ng pakiramdam niya why not.
"one day in your life.. You'll remember a place
Someone touches your face
You'll come back and you look around you..One day in your life
You'll remember the love you found InYou'll remeber me somehow
Thought you don't need me now
I will stay in your heart
Everythings fall apart
You'll remember one day.."Pinunasan ko ang luha ko. Di ko mapigilan na di umiiyak. Tulog na si lovely. Sa tuwing pagmamasdan ko ang mukha niya puro hirap ang dinanas niya maghapon. Araw araw hindi nauubos ang luha ko para tanggapin ang nangyayari.
Hinalikan ko sa noo ang anak ko at nagpasya akonh lumabas. Pag bukas ko ng pinto nakita ko si Levi. Naka coat and tie pa siya. Halatang kagagaling lang sa opisina.
Binago ko ang pasok ng mga empleyado ko sa patahian. Pang night shift kami. Para salitan ang pagbabantay namin ni levi. Yung business ko lang kasi ang pwedeng mag adjust ng time. Malaking business kasi ang kay Levi.
"ingat ka sa pagdradrive. " yun lang at pumasok na siya sa loob.
Isa pa sa pagpapabigat ng loob ko. Sobrang lamig niya sa akin. Pero kayang tiisin. Matitiis ko to.
Kaya ko to diba? Kaya ko to.
Sana nga...
LEVI POV
"mommy daddy!!! Ayoko na po..." pilit na sigaw ni lovely. Nagstart na kasi siyang magchemo. First day niya ngayon. 2 sessions sa isang araw. Ang sakit lang.
"baby. Wag kang sumigaw lalo lang mawawala ang lakas mo. " awat ni Lezzi. Parehas kami ng nararamdaman. Pinipigil lang namin na wag bumigay sa harap ng anak namin. Ipinapakita namin na malakas kami para magpalakas din siya.
"araaayyy!!!!ouch!!! Ouch!!! Ayoko na po..." sa bawat sakit na binibitawan niya parang sinasaksak ang puso ko. Di ko kayang nakikita yung anak ko na ganito. Tumalikod ako para punasan ang nagbabadyang luha ko..
"levi ano ba. Wag kang ganyan. " sabi ni Lezzi. Ramdam ko na anumang oras iiyak narin siya.
"di ko kaya lezzi. " sabi ko. Habang nakatalikod.
"kayo talagang dalawa. Dun kayo sa labas. Wag niyong ipakita yang ganyan kay lovely. " suway sa amin ni mama. Lumabas ako ng kwarto. Umupo ako sa bench sa tapat.
Ano bang maling nagawa ko para maranasan ng anak ko yun?
Ngayon nalang kami naging masaya bakit kailangan pa to? Bakit kailangan pang mangyari to. Mapasabunot ako sa buhok ko. Hirap na hirap ako sa tuwing dadaing siya ng sakit, na alam kong sa tuwing matatapos ang session niya hinang hina siya. Hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala ang anak ko.
Please lord tulungan niyo naman ang anak ko..
*******
BINABASA MO ANG
UnPlanned Family
Fiksi RemajaEverythings happens for a reason.... at ganyan ang kwento ng buhay ko. naniniwala sa kasabihan na yan. I'm Lezzi Montefallon and here is my story..