LEVI POV
Bakit kinakabahan ako..
Bakit parang may mali..
Parang may di tama..
"Levi!!" Hindi pa nabubuksan ang mga sounds sa loob ng bar kaya maririnig pa namin ang isa't isa.
"Oh bakit Jen.."
"Si L-lezzi.." Pagkarinig ng Lezzi ay agad nagsilapitan ang lahat sa amin..
Kinuha niya ang remote na nasa stool bar at saka binuksan ang T.v na nakahang sa pader ng Bar.
"News flash: kapapasok lang po ng balita na isang Truck at isang silver na Honda civic ang nagkabanggaan sa *** ave. Ayon sa mga nakasaksi ay mabilis na tumatakbo ang truck at mukhang nawalan ng preno habang ang Kotse naman ay biglang nagcut sa daan hanggang sa sumalpok ang kotse sa truck. "
Ipinakita ang video ng kotse at truck.
Nasa ilalim ng truck ang kotseng itim at kilalang kilala ko ang kotse na iyon.
Shit.. Si Lezzi..
"Dead on the spot ang babaeng sakay ng kotse habang ang driver ay nahaharap sa..."
Di ko na naintindihan ang iba pang sinasabi sa balita at napaupo nalang ako..
"Levi.." Tawag ni Jayson.
"My god!! Kay Lezzi yan diba?.. Totoo ba to?" Avelinda
"H-hindi totoo yan.. " maiyak na sabi ni Venice.
Hindi totoo yan diba?
Hindi naman siya mawawala ulit sa akin diba?
Hindi naman siya yung sakay ng kotse diba?
Sana ibang kotse ang gamit niya.
*phone rings*
"Number ni L-lezzi.." Sabi ni Venice.
Hindi.. Hindi naman diba ibang tao yan at sasabihin naaksidente ang asawa ko..
God.. Hindi ko makakaya to!.
"H-hello?" Nauutal na sagot ni Venice.
Tinignan ko siya at nakita ko na tumulo ang luha niya at parang nagulat sa naririnig..
No! No!.. Lezzi!!
LEZZI POV
Nakarinig ako ng katok sa bintana ng kotse ko.
Inangat ko ang ulo ko at
Dahan dahan kong binuksan ang bintana.. Isang traffic enforcer.
"Ma'am ayos lang po ba kayo?" Tanong nito.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko.. Pero wala akong maramdaman na sakit..
"Ma'am igilid niyo po muna ang sasakyan niyo.. Kailangan po siguro kayong macheck ng mga doktor. "
"Huh?" Yan lang ang nasagot ko.
"Ma'am buti po at nakapreno kayo. Dahil kung hindi baka kasama po kayo sa nagsalpukan na iyon." Sinundan ko ang tinuro niya.
yung truck na dapat ay babangga sa akin. At isang Silver na Honda Civic na kaparehas ng sa akin ang nasa ilalim ng truck at halos lamunin ang unahang bahagi ng kotse.
God! Buhay ako?!
Halos maiyak ako sa nangyayari.
Buhay ako at walang galos..
BINABASA MO ANG
UnPlanned Family
Ficção AdolescenteEverythings happens for a reason.... at ganyan ang kwento ng buhay ko. naniniwala sa kasabihan na yan. I'm Lezzi Montefallon and here is my story..