UPF#39

327 3 0
                                    

LEZZI POV

Lintik na lalakeng yun!. May pa I still love you pa siya noon tapos ayun makikita ko sila ng kabit niya sa mall. ang saya pa nilang dalawa habang bumibili ng COUPLE WATCH!!!.

He's getting into my nerve!!.

May pa confuse confuse pa kong drama last week hindi naman pala dapat pag-isipan pa. Tsk!!!

Nakakainis talaga!!

Naku!! Wag siyang nakatungtong sa opisina ko dahil ihahagis ko talaga sa kanya lahat ng gamit ko doon.

"Lezzi!! Sandali lang." Napahinto ako ng humarang sa harap ko si Jen.

Ang bilis naman nitong tumakbo. "Bakit ba ang bilis mong maglakad?" Hingal na sabi niya.

Kung mabilis ako ano pa kaya siya?

"Ikaw nga yong mabilis maglakad nahabol mo ko. " mataray na sabi ko. Ganitong naiinis ako damay damay na.

"Ano ka ba, di ako naglakad,tumakbo ako para mahabol kita no!" Pumangewang pa siya sa harap ko.

"Lezzi,Jen.. Ang bilis niyo naman. " hingal na hingal ding sabi ni Jayson. Bakit ba kasi nila ako hinabol.

"Bakit ba bigla ka nalang umalis?" Tanong ni Jen.

Eh kasi naiinis ako!!

"Wala lang."

"Wala daw? Kung alam ko lang nagseselos ka sa asawa mo---"

"Excuse me!! Future Ex-Husband!!" Putol ko sa sasabihin ni Jayson.

"Sus. Selos overload. " gatong pa nito ni Jen.

"Ano bang pinagsasabi niyo?. Wala akong pakealam kung kasama niya yung babaeng pag tumawa wala ng matang makikita, i don't care!! Duh!!. At saka hindi naman talaga maganda yung babaeng yun. Maputi lang kaya maganda noh!. Sus. Ang pangit naman ng taste ni Levi ngayon. And ano naman kung bumili sila ng Couple Watch?.. Ang lakas pang ipakita sa atin! Di na nahiya kaharap niya yung asawa ng boyfriend niya! Sus! FYI Kabet parin ang tawag sa kanya hanggat hindi pa naaannull ang kasal!" Lintanya ko. Naiinis talaga ako!!.

"Hindi ka nga nagseselos.." Tumatawang sabi ni Jen.

"Naku.. Kawawa naman ang mga babies. Narindi sa nagseselos na mommy." Hiniwakan pa ni Jayson yung tiyan ko.

Ano bang selos ang pinagsasabi nila?

"Naku, sana hindi nagger tong magiging mga inaanak ko. " dagdag pa ni Jen.

"Tara na. Iwanan na natin yang Jealous Wife." Inakbayan ni Jayson si Jen at saka sila naglakad palayo.

"What the?!!hey!! Come back you two!!!. " kumaway pa sila.

"Mga siraulo kayo!! Papakainin niyo pa ako!!"sigaw ko sa kanila. Wala akong pakealam kung pagtinginan kami ng mga tao.

Huminto naman sila.

"Bilisan mo na Jealous Wife!!" Sigaw nilang dalawa.

Me?! jealous Wife!!!. Of course not!!!

SOMEONE'S POV

Kailangan ko ng kumilos..

Ayoko na rito..

Magaling na ako..

Kailangan nilang pagbayaran lahat ng ginawa nila sa akin..

Kailangan maramdaman din nila ang sakit na dinulot nila sa akin.

Lahat ng sakit na binigay nila.. Tinanggap ko lahat iyon.
Lahat ng pagtatabuyan nila,
Lahat ng pang-aalipusta nila sa mahal ko,
Lahat ng iyon!!

Pagbabayaran nila!!

Kinuyom ko ang kamao ko. "Lintik lang ang walang ganti."

************

Sino yun??!!

-BUKOTART

UnPlanned FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon