LEVI POV
"Dapat ka nga talagang hiwalayan.." Tumataas na naman ang boses nitong babaeng to.
Naikwento ki na kasi sa kanya ang lahat ng nangyari. At as usual para na naman siyang guro kung magpayo.
"Kaya nga inaayos ko na.. Bumalik ako para maayos ang relasyon namin." I said with a calm tone.
"You never know what she felt when you say those words to her. " seryoso na siya ngayon. Kakatakot tong babaeng to. Bipolar.
"I know i know... I'm a Jerk.. "
"So what's your plan?"
"Just leave it to me. "
"Sana lang maayos mo bago mahuli ang lahat.." Binigyan ko siya ng nakakapagtakang tingin.
"What do you mean?"
"Wala. Wala. Basta bilisan mo ang panunuyo. Baka di ka na maantay nun pag binagalan mo."
Siguro nga kailangan ko na talagang kumilos. Kailangan ko ng gumawa ng paraan. Sana nga lang mapatawad na niya talaga ako.
LEZZI POV
Isang araw nalang bago ang Show at eto kami ng team ko, ready na ready na. Buti at natapos namin lahat. Nagpapasalamat talaga ako ng marami sa mga empleyado ko..
"Lezzi.." Tawag sa akin ni Jen. Ang super kulit kong secretary. Ayyt.
"Oh?" Sagot ko habang nagliligpit ang mga gamit sa table ko.
"Ngayon daw ang dating ni Jayson. Nagpapasundo sa airport."
"Wow. Sinusuwerte siya ha. Kalalakeng tao nagpapasundo." Mataray na sabi ko.
"Pfft. Parang di mo naman kilala yung taong yun. Ano? Kaya mo pa ba?"
I smiled dahil sa pag-aalala ni Jen sa akin. Kita ko ang concern ni Jen sa akin hindi dahil sa Boss niya ko kundi dahil tinuturing niya rin akong isang kaibigan.
"Hmmm. Sige sige.. Kailangan pakainin ako ng lokong yung dahil kung hindi sisipain ko siya pabalik sa pinanggalingan niya."
Tumawa lang si Jen sa sinabi ko. Siguro nasanay narin siya sa kilos ko at pananalita. Ngayon buntis ako nagiging brutal narin ang mga sinasabi ko. Sana lang wag nilang makuha ang ugali ko na yun. Hinawakan ko ang tiyan ko na medyo may kalakihan na. Pilit ko nalang itinatago sa pagsusuot ng dress. Buti at hindi nahahalata ng ibang tao.
Or nahahalata nila takot lang silang tanungin ako. Hahaha.
JAYSON POV
katatawag lang ni Jen sa akin. Sabi niya susunduin daw nila ako ni Lezzi sa airport. Mabuti na yun di ako mabobore sa biyahe pauwi. At saka namimiss ko narin yung dalawang makulit na yun.
Pabalik na ko ng pilipinas. Hayyy. Dalawang linggo rin akong nasa ibang bansa at masasabi kong namiss ko ang klima sa Pinas.
Makatulog nga muna. Mahaba haba pa ang biyahe.
JEN POV
Sabi ni Jayson by 3pm nasa Pinas na siya. Pero 3:30pm na wala paring Jayson Calnes na nagpapakita sa amin.
Sinulyapan ko si Lezzi. Ayun nakanguso. Nabubugnot na yang taong yan. Hayy.
Hirap ng may kasamang buntis. Mainitin ang ulo.
Sshhhh. Quite lang kayo sa sinabi ko ha.
"Wala parin ba? Grabe ang tagal ng taong yan! Naku! Sasakalin ko talaga yang pagnakita ko lang. " nangigigil na sabi ni Lezzi.
Masarap makita na naiinis si Lezzi pero sa isip ko lang sabi yun. Mamaya maasar sa akin yan bigla akong sesantihin.
"Miss me?" Napalingon kami Lezzi sa right side namin.
Bakit parang huminto yung mga tao dito sa airport?
At siya lang taong nakikita kong gumagalaw?..
Waaahhh???
Isang Jayson Lauro Calnes ang nasa harap nasa harap namin. With his look I'm sure titigil din ang mundo niyo.
White long sleeves na ginawang 3/4 ang manggad, nakabukas ang First 3 buttons paresan mo pa ng slacks na grey at mamahaling black shoes at nakadagdag sa attraksyon ang suot niya rayban na black.
Wooohh!!!! Siya na ang HOT!!!
Teka?
Ano bang nangyayari sa akin??
pero diba ang gwapo niya talaga?
Diba? Diba?..
Haaaayyyy.. My Prince Charming...
What the??!!!!
***************
Ayun update update din pag may time.
Waaaaaah.. Dami trabaho!!!
-BUKOTART
BINABASA MO ANG
UnPlanned Family
Teen FictionEverythings happens for a reason.... at ganyan ang kwento ng buhay ko. naniniwala sa kasabihan na yan. I'm Lezzi Montefallon and here is my story..