Someone's POV
I need to fix myself.. Kailangan kong gawin to hindi para sa sarili ko.. Kundi para narin sa mga taong nakapaligid sa akin..
Lahat kami nagkamali.. Lahat kami pinaglaruan ng tadhana..
Ayokong magkita kaming lahat na may sama ng loob akong dinadala..
Sabi nga
'Darating ang panahon na makakaya mo ng harapin lahat ng taong nakasakit sayo at matatanggap mo na magpatawad dahil bahagi nalang iyon ng nakaraan mo.. At magagawa mo lahat yun kung ikaw mismo magpapatawad sa nagawa nila sayo. '
Napatingin ako sa mga taong nakaitim habang umiiyak sa isang Gold na kabaong.
Halos lahat ng taong iyon ay kilalang kilala ko.
Ilan lamang sa kanila ang nakakaalam ng totoo..
Ilan lamang sa kanila ang mapagkakatiwalaan..
Pero ang nakapukaw ng pansin ko ay siya..
Isang lalaking labis ang pagdadalamhati..
Lalakeng ayaw bitawan ang kinalalagyan ng mahal sa buhay..
Lalakeng sinisigaw ang isang pangalan..
Masakit para sa akin na makita siyang ganyan..
Ayoko siyang paasahin..
Ayoko siyang paasahin na hindi pa ako handa..
Gusto ko siyang lapitan pero di ko magawa..
Hindi pa ito ang tamang panahon para makita ako..
Pero pinapangako ko ..
Kapag handa na akong harapin sila..
Gagawin ko kung ano ang tama.
Kung ano ang dapat..
Sana lang ay makaya ko..
Sana ay magawa ko..
Kasi ngayon palang..
Pakiramdam ko parang gusto ko ng bumalik sa piling nila.
I will miss you guys.. Pangako babalik ako..
Hahanapin ko lang ang sarili ko..************
Pinakamaikli sa lahat ng update.. Gusto ko kasi sa kanya lang itong chapter na to..
-BUKOTART
BINABASA MO ANG
UnPlanned Family
Ficção AdolescenteEverythings happens for a reason.... at ganyan ang kwento ng buhay ko. naniniwala sa kasabihan na yan. I'm Lezzi Montefallon and here is my story..